- —54—
98.—Sa calooban ng República ay magcaca-
Toon nang isang kataastaasang Kapulungan ng
catouiran na mag bubucod sa quinacailangang
Licmoan (Sala) na lalaguian ng limang cahalili
bauat isá; sa baual calauacan (Region) ay lala-
guian ng isang Kapulungan (Audiencia ó Tribunaly
na may tatlong cahalili; sa bauat Hucuman (Dis-
trito Judicial) ay magcacaroon ng isang Pangulong
Hocom (Juez mayor); at sa bauat bayan ay isang
Hocom na taga pamaguitan (Juez de Paz), na iha-
halal ng Presidente ng Kapulungang nacasasacop
capag naiharap ng Sanguniang bayan ang manga
mamayang lalong marapat sa catungculang itó cun
may sariling pamumuhay.
Sa boong nasasacupan ng República ay magca-
caroon ng anim na calauacan man lamang na iaayao
sa mga lupang lalong nauucol ayon sa dami ng
mga lumatahan, at sa bauat calauacan ay mag-
cacaroon ng mga Hucumang macailangan sa madali
at matuid na pag aayos ng catuiran.
99. —Sa siping ng mga Kapulungan ng catuiran
ay malalagay ang casamahan ng mga Pintacasi ng
República na pinangungunahan ng Punong Pintacasi.
Ang mga Pintacasing ito ang manġag aalaga sa
mahigpit na catuparán ng mga cautusan at ma-
quiquialam hindi lamang sa mga usap-sala at usap
catuiran (Juicios criminales y civiles), cundi naman
sa mga usap-bayan (expedientes administrativos).
Sila rin ang macapagpapatotoo sa mga gaua at ca-
sundong ibig pagtibayin upang paniualaan.
Sa bauat cabayanan ay magcacaroon ng isang
Pintacasi na casingtaas ng Pangulong Hocom, at
cun dito'y magcaroon ng dalauang Hucuman ay
ilalagay sa Piling ng Hucumang (Juzgado) uala sa
loob ng cabayanan ang isa pang Pintacasing ca-
tulong na capantay ng kagauad ng Hucuman.