- —55—
Sa bauat Kapulungan ay magcacaroon din nang
isang Pintacasi na casingtaas ng Cahalili, nguni't
ito‘y ualang paquiquiàlaman cundi ang mga usap
sa Kapulungan: at sa calooban (capital) ng Repú-
blica lalagay ang Punong-Pintacasi na siyang mag
tututo sa mga ibang Pintacasing quinacailangan
upang mapaquialanan ang mga usap sa cataas-
taasang Kapulungan at sa mga Sanayan ng Pamu-
noan at gayon din ang paghuhusay at pamama-
hala sa casamahan.
Sa bauat bayan ay magcacaroon ng isang Pin-
tacasing-bayan na huhugutin sa mga kasanguning
casalucuyan.
100. —Sa mataas na hagdan nang pangangatung-
culang-hocom ay macapapanhic cun mag daan sa
suncaran mula sa unang baitang ng mga kagauad
ug Hucuman at mga Pintacasing catulong, at ang
pagtaas ay para ng sa pangangatungculang bayan
dahil sa catagalan at sa malalaquing paglilingcod
na pinalotohanan at minarapat ng Tanungan.
Sa pangangatungculang ito ay ualang tatangapin
sa hagdang mataas cundi ang mga Doctor sa ca-
tuiran (Doctor en derecho) at ang mga Abogado.
101. —Tatalagahan ng Kapisanan ang mga nagli.
lingcod sa pangangatungculang Hocom ng catamu-
mang bayad, upang magcaroon sila ng pitagan at
casarinlang quinacailangan sa maluag na pagtupad
ng mahal nilang catungculan; at hung tutulutan
và sa mĝa Kapulungan at Hucuman ay magcaroon
ng mga manunulat at iba pang alagad na tagá ma-
babang hagdan na di bibiguian ng catamtamang
upa, upang mailagan ang masasamang gauing pi-
nag apuhan na sa ilalim ng yamungmong ng Pa-
munoang castila.
102. —Ang lahat na cahalili sa cataastaasang Ka-
pulungan ang hahatol sa Presidente ng República