Jump to content

Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/52

From Wikisource
This page has been proofread.
—53—


mag acsaya ng mga papel at ang pahabain mag
parating man saan ang mga casulatang usap.

Bibiguian ang mga nahablá sa usap-sala ng boong
caluagan upang magamit ang mga paraang quina-
cailangan nila sa pagliligtas sa canilang catauan
sa ano mang calagayan ng nasabing usap.

Catagalan ng mga usap-sala ang anim na buan
at pagcaraan nitong taning ay dudusahin nang
mahigpit ng mga Capulungan ang mga Hocom
na di magpaquita ng tunay na cadahilanan nang
pagcabalam.

95.—Magcacaroon ng iisa lamang sacdalan (fuero)
sa lahat na usap sala at usap catuiran, bucod
lamang ang mga sandatahan na magcacaroon ng
sariling sacdalan cun sila'y magoulang sa manga
Cautusang nauucol sa canilang casamahan; ngu-
ni't masasacupan din sila ng sacdalan ng lahat
cun sila'y magcasala sa paquiquisama sa manga
tauong bayan.

96. —Aalisin ang manga Pintacasing hindi upa-
han ng bayan, pagca't sa haharapin ay ang ma-
ngangasiua ay ang tunay na may usap ó di
caya'y ang manga Abogadong biguian nito nang
kapangyarihan.

Gayon ma'y cun ang may ari ay walang caya
at di macaquita ng Abogadong magmacaalam ay
maca paglalagay ng mga tanging sugo na manga-
tauan sa caniva, nguni't ang mga sugong ito ay
di mapapara sa mga tunay na Abogado na bu-
mabayad ng ambagan dahil sa canilang katungculan.

97. —Ang mga cahalili, Hocom at iba pang
may katungculang nacacapit sa sangang ito ay
mananagot na isa-isa sa manga gauang pagcuculang
sa cautusan, at sino mang mamamayan ay maca-
paghahablá tungcol sa pagpapasuhol at masamang
pag gamit ng katungculan,