- —52—
cacalacal, at magtatayó lamang ng manữa cala-
lagulang tunay na quinacailangan sa madaling
paglulutas ng manga usap.
91.—Baua't Punong cabayanan ay magcacaroon
ng nasasagupan niyang manga oficial, catulong
at manunulat na quinacsilangan sa iba't ibang
sangá ng pamamahala sa cabayanang nasasacop
niya, at ang oficial na catiuala sa cahusayan sa
loob ay siyang Kagauad na maguiguing panga-
lauang Puno sa Sanayán ng cabayanen.
Ang mga manunulat ay caniyang ihahalal capag
nasungcad ng Sanguniang-cabayanan.
Ang sino mangatungculán sa cabayanan ay dapat
macaalam ng salita dito.
92. —Baua't Punong bayan ay magcacaroon nang
isang kagawad hugot sa baitang ng mga calulong
at ng mga manunulat na ihahalal niya, capag na-
sungcad ng Sanguniang-bayan.. Magcacaroon nang
isang catulong na Comisario ng Pangalagaan na
may bayad. (Comisario de Policia).
ICAPITONG CASAYSAYAN.—Tungcol sa panihala
- nang catuiran.
93. —Ang capangyarihan sa paghatol at sa pag-
papatupad sa maguing hatol ay tataglayin lamang.
ng mga Kapulungan (Tribunales) ng catuiran at
ng mga Hocom, na ualang magagaua cundi ang
mag lapat ng mga cautusan sa usap ó gauang ihabla.
94. —Itatadhana ng mga cautusan ang pagcaca-
sunodsunod ng mga paraan at pag uusisang dapat
gauin sa mĝa usapin sa boong nasasacop ng Re-
pública, at ang panununtunan ay ang camunting
sabi at ang caliuanagan at lilipulin yaong manga
gauing luma na ualang. quinauuculan cundi ang