Jump to content

Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/50

From Wikisource
This page has been proofread.
—51—


quinalalaguian ay nagcacailangang siya'y halinhan
nang iba.

88.—Sa bauat sanga ng pamamahala sa bayan
ay magcacaroon ng Lugal cagauad na siyang
Pangalauang Puno sa baua't Gauaran; sa bauat
Pitac ay maglalagay ng isang Oficial at mga ca-
tulong at manunulat na quinacailangan sa ma-
daling paglulutas ng manga usap.

Ang manga Katungculang ito ay maguiguing
isang tanging hanap-buhay gaya naman ng sa
manga Hocom at sandatahan, at ualang macapa-
pasoć dito cundi magdaan muna sa sungcaran,
maguing sa hagdang mataas na buhat sa baitang
ng manga Katulong na paitaas, maguing sa ma-
baba na quinalalagyan ng manga manunulat at
iba pang alagad na quinacailangan sa baua't
sanayan.

Ualang maguiguing dahil ng pagtaas dito sa
dalauang hagdan cundi ang catagalan at ang manga
tanging paglilingcod na gauin ng may Katungculan,
cun yao'y mapatotohanan at marapatin ng Tanu-
ngan. Upang macalipat mula sa mababa tungo
sa mataas na hagdan ay cailangan ding magdaan
sa sungcaran.

89. —Ang lahat na Katungculan sa bayan çahit
ano ang quinauuculan ay babayaran ng catam-
taman, liban na lamang ang manga nasasabing
walang bayad sa manga cautusan, at di matata-
lagahan ng ano mang upa ang mangahiwalay sa
Katungculang ito. Ang sino mang mapahamac sa
pagtupad ng Catungculan at dahil dito'y mara
patin ng Kapisanan na gantihin ang gauang yaon,
ang bihis ay ibibigay na paminsanan sa halagang
pasiyahin nito ring Kapisanan.

90. —Ang manga sanayán (oficina) ng Bayan ay
bubucsan umaga't hapon gaya ng sa manga mag-