Jump to content

Page:Panukala sa pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas ... (microform) (IA ask0429.0001.001.umich.edu).pdf/49

From Wikisource
This page has been proofread.
—50—

Icatlo. Gauang bayan, at dito'y masasama pati
ng gauang lupa at gauang camay,

Icapat. Catuiran.

Icalima. Yaman.

lcanim. Digmang cati.

Icapito. Digmang dagat.

84. —Ang mga Kagauad ng Pamunoan ay ma
haharap sa Capisanan at Tanungan cailan ma't
nay ipagsasabi sa ngalan ng Presidente o sila'y
turulin caya ng hayág nino man sa Kapulungang ito.
Nguni't cun pagbobotosan na ang dahil ng ca.
nilang pagdayo ay lalabas at di maquiquialam.
dito.

85.—Ħihirang din naman sa mga tauong na-
babanguit sa n. 83 at sa mga Katiuala at Punong
bayang halili na at quinaquitaan ng ugaling ualang
ipipintas, ng mğa ihahalal niyang Punong caba-
yanan, na siyang pagsasalinan niya ng boong ca-
pangyarihan sa loob ng cabayanang masacop nitó.

86. —At gayon ding hihirang sa tatlong iharap
sa caniya ng Sanguniang bayan ng gagauing Pu-
nong bayan na cacatauanin niya sa baua't bayan.
Upang mabilang sa mga ihaharap ay quinacaila-
ngang nagdaan sa pagca matanda Pangulo at
di napapintas sa ugali.

Ang mga Pangulo na siyang catiuala ng Punong
bayan sa bauat nayon ay ihahalal ng Punong ca-
bayanan sa mga mapili ng umaambag na may
carapatan. Ang pagpili sa mga Pangulo ay capa-
ris din sa mga matanda.

87. —Ang catungculan ng Punong bayan at ma-
nga Pangulo ay tatagal ng dalauang taon; at ang
mga Punong cabayanan ay apat, liban na lamang
cun bago lumampas ang taning na ito ay mapag-
quilala ng Presidente na ang cagalingan ng boong
República at ang sariling cagalingan ng cabayanang