Jump to content

Page:Pagkatuklas sa ating lupain (microform) (IA aqj7886.0001.001.umich.edu).pdf/58

From Wikisource
This page has been proofread.


— 51 —

Pagkikristiano ng mga taga Sebú.
Ng maunawa na ni Magallanes na gayon, ay ipinag-

patuloy uli ang kanyang pananalaysay, at sapagka't yaon ay isang pagkakataon na ikahihikayat niya sa kanila sa pagkikristiano ay di niya sinayang at kanyang binuksan ang kasakdalan ng relihiong ito.

Sinaysay nga niya sa kanila kung paanong nilalang ng

Dios ang langit at lupa, sampu ng tanang kinapal sa sangsinukob. At tuloy ipinagtagubilin niya sa kanila na ang lahat ay dapat gumalang at magbigay dangal sa walang hangang apoy.

Hindi naman kaila na sa mga tagarito ay likas ang

kabaitan na umibig at maglingkod sa kanilang mga ma- gulang na bagay na ikinauunlak ng mga tao rito: At sapagka't siyang tinukoy ni Magallanes ay kinalugdan nila ng di kawasa, palibhasa't siyang taglay ng kanilang damdamin. At sa pagkahalina nila doon sa pananam- palatayang iniaral sa kanila ni Magallanes ay tuloy hu- miling sila sa kanya na iwanan sila ng dalawang katao niya na sa kanila'y makapagpapakilala ng pananampala taya kay Kristo, at anila'y kanilang lilibangin at di nila pababayaan

Yao'y ibig man ni Magallanes ay di niya mapaoohan,

palibhasa't ang kanyang pakay ay hindi ang manghikayat sa pagkakristiano, kungdi ang tumuklas ng lupaing Mo-