Jump to content

Page:Pagkatuklas sa ating lupain (microform) (IA aqj7886.0001.001.umich.edu).pdf/59

From Wikisource
This page has been proofread.


— 52 —

lukas: kaya't ang itinugon niya sa kanila ay dinaramdan
niyang hindi siya makapagbigay loob sa kanilang kahi-
lingang, nguni'r anya, kung ibig nilang magsipagkristiano
ay bibinyagan sila ng kanyang kapellan, at sa ibang
panahon na siya magsasama ng mga pare at maestrong sa
kanila'y makakapagpakilala ng pananampalatayang iyan.
Tuloy ipinagpauna niya ra ang tunay lamang na kris-
tiana ay yaong may kusang pagtangap sa kanyang
kalooban.
Pagkarinig ng mga taga Sebú ay nagsisagot na sila'y
pabibinyag ng kusa nila, at sila'y sumasakanya at aariin
niya silang kanyang lingkod.
Sa gayong pagkasagot ay malugod na niyakap ni
Magallanes ang mga taga Sebung yaon, at tinagnan
niya sa kamay ang Rahá at ang pinaka. principe, saka
niya sinabing: Alangalang sa pananampalataya niya sa
Dios at alangalang sa panginoon niyang Emperador at
alangalang sa habito ni Santiago na kanyang suot ay
ipinangangako niya sa kanila ang walang hangang paki-
kipagpayapaan sa kanila ng Hari sa Espanya, na tinugon
din naman ng gayong pangako ng madlang kaharap.
Sa pag-uugaling ipinakita ni Magallanes kapagkaraka
hangang sa harapang ito ay namamalas natin ang ta-
tlong taglayin niya, na ang pagka-politiko, pagka-kris -
tiano at pagkalikas ginoo, na sa pagi akasapisapi ng
tatlong iyan ay naakit at nahalina niya sila.
Ang Rahá naman sa Sebú na nakabalta ng gayong
kawiliwiling ugali ni Magallanes ay agad nagpadala ng
isang kaloob, na bilang marahil, pakikipagkilala at pa-
kikipagkapua niya.
At pagtangap ni Magallanes ay ginanti pagdaka, na
ang pinapagdala ay si Pigafettą na pinasamahan sa
isang intérprete.