Jump to content

Page:Pagkatuklas sa ating lupain (microform) (IA aqj7886.0001.001.umich.edu).pdf/57

From Wikisource
This page has been proofread.


— 50 —

sa kapayapaan, at saka idinalangin sa Dios na yao'y papagtibayin sa langit.

Sinabi ng mga kaharap na kailan man ay hindi sila

nakarinig ng gayong pananalita, nguni't kinaliligayahan nilang pakingan,

Ng mamalas naman ni Magallanes na sila'y nawiwili

ng pakikinig ay nagpatuloy ng pananalaysay na hinalina sila ng pagtangap ng panampalataya kay Kristo.

Pagkatapos ay itinanong ni Magallanes na kung mas

matay si Rahá Humabon ay sinong hahalili. At siya'y sinagot na, ang Rahá ay walang anak na lalaki, kungdi pawang babae, at ang panganay ay siyang asawa ng pamankin, na dili iba nga't yaong kaharap nila na ma giging kahalile, at saka sinabi nila na pagtanda rito ng tao ay isinasalin na ang katungkulan at karangalan sa mga bata