This page has been proofread.
―38―
Rahá Kolambu ang lubhang maraming tabak, kalasag at
nga balute na pinakasangalang na pangbalot sa katawan
at pinapaglaro ng tabak sa harap ng Rahá ang dalawa
sa mga katao niya. Saka ipinakita kay Raha Kolambu
ang mga kasangkapan nila sa paglalakbay, at tuloy si-
naysay ang kanilang mga nakita at ang bagaybagay ng
kanilang paglalakbay na kinamanghaan rin namang di
kawasa ng Rahá.
Sa katapusan ng kanilang pagsasalitaan ay hiniling ni
Magallanes kay Rahá Kolambu na kung maaaring ang
dalawa sa kanyang mga katao ay makasama sa kanya
sa kanilang mga tahanan upang makita naman ang mga
bagaybagay nila sa kanyang lupain. Malugod na pu.
mayag si Rahá Kolambu at sumama si Pigafetta at ang
isa pa sa mga kastila.
Ng makadoong sina Pigafetta ay iniunat ni Rahá Ko-
lambu ang kanyang mga kamay sa dakong langit, saka
hinarap ang dalawang taga sasakyan na pinarisan naman
ng mga ito, na nakibagay sa kanilang kaugalian Pag
katapos ay tinagnan ni Rahá Kolambu sa kamay si Pi
gafetta at ang kanyang kasama ay tinagnan ng isa sa
mga pangulo, at ipinagsama sila sa isang dakong nalili..
iman ng mga punong kawayan, na doo'y may isang
balangay (mahabang bangka) na may walong pung paa
ang haba. Doo'y nagsiupo sila sa dakong hulihan, at
sapagka't wala silang kasamang interprete ay nagsalitaan
sa señasan. Samantala namang sila'y nagsasalitaan ay
nangakatayo sa palibot nila ang kampon ng Rahá na
nangakatabak, sibat at kalasag na kaugalian nila.
Doo'y nagpahain si Rahá Kolambu at sila'y hinainan
ng isang pingang may laman ng baboy saka alak (ma.
rahil ay ron).
Ang kanilang ugali sa pag-iinuman, di umano, ay ga