This page has been proofread.
―39―
nito: Iniuunat ang kanilang kamay sa may dakong langit,
saka tinatagnan ang sisidlan ng alak sa kanilang kanang
kamay at ang kaliwa ay iniuunat na nakasuntok sa ka-
harap. Ito ang ginawa ni Rabá Kolambu at pinarisan
naman, uina Pigafetta. Sa gayong kaugalian at iba pang
tanda ng pagkikilanlanan ay nangagkatua sila saka nag-
sihapon.
Noo'y Biernes Santo at ang handang pagkain ay laman
ng baboy, sa makatuid baga y lamang kati, at baga
man sina Pigafetta ay katoliko romano at may kabanalan
sa kanilang tinatankilik na relihyon ay nagsipagbigay
loob rin. Nguni't bago sila humapon ay binigyan ni
Pigafetta si Rahá Kolambu ng mga bagay na kanilang
dala.
Pinasimulan nila ang kanilang paghapon at muli silang
nilapitan ng dalawa pang malaking pingang insik na ang
isa'y puno ng kanin at ang isa'y ng laman ng baboy
na may sabaw at sawsawan. Habang sila'y nagsisihapon
ay nagsasalitaan sila sa señasan at si Pigafetta ay nag-
aral ng ilang salita nila na kanyang isinulat sa isang
papel na kanilang kinatuaan.
Pagkatapos nilang makahapon ay nagtuloy sila sa ba
hay ni Rahá Kolambu, at doo'y inanyayahan silang
lumupagi sa isang banig at nagbigay loob sila.
Ng makaraan ang kalahating oras ay nilapitan sila ng
isang pingang may putolputol na isdang inihaw, ng sa
riwang luya na kabuhukay lamang at ng alak. Sila'y
muling inanyayahang humapon na pinasaluhan sila sa
anak na panganay ng Rahá. Saka sila muling hinandugan
ng dalawang pingan na ang laman ng isa ay isda na may
sawsawan at ng isa'y kanin at humapon nga uli sila.
Ang ginamit nilang ilaw ay dagta ng isang punong
kahoy na ang pangala'y anime.