This page has been proofread.
— 33 —
Ang puno ng mga taga Suluang yaon ay matanda,
may pinta ang kanyang mukha at nakahikaw ng ginto
na ang tawag nila ay SCHIONE, at ang iba'y nanga-
kákalombigas (pulsera) at nangakasingsing ng ginto, saka
sa ulo'y may nangakalikom na inikid na kayong puti,
Sa pulong ito ay nátira silang walong araw. At ma-
lapit sa pulong ito, auí Pigafetta rin, ay may ibang pulo
na ang mga tao ay nagbubutas ng malaki sa kanilang
tainga ng halos máïsusuot ang isang kamay. Ang mga
taong ito ay walang damit, liban sa isang tapi na balat
ng kahoy. Nguni'y may iba sa kanila na nangakatapi
ng habing sinulid at sa laylayan ay may sedang ginami-
tan ng karayom. Ang mga taong ito ay kuyomangi,
matataba at may mga pinta, nagsisipagpahid ng langis
ng niyog nagsisipaggugo, upang malayuan, di umano,
ang sakit sa init ng araw at hangin. Ang kanilang buhok
ay nag-iitiman at mahaba na umaabot hangang sa bala.
kang. At ang kasakbatan ay sundang at itak na may
kalupkop na ginto.
Sapagka't may kahirapan ang pagkain sa pulong Hu
munu ó Humonhol ay walong araw lamang silang tumigil
doon at yumaon na uli: kaya't ng ika (25) dalawang pu't
lima ng Marso, na Lunes Santo, ay naglayag sila at
kanilang náraanan ang apat na maliliit na pulo, na Senalo,
Huinanghar, Ibusson at Abarien
Ng ikatlong araw ay sumapit sila sa isang pulo na
pinanganganlang Limasawa, at doo'y tumigil sila.
Ng ikalawang araw ng kanilang pagkatigil dito sa Li
masawa, na Huebes at ika (28) dalawang pu't walo ng
Marso ay may nakita silang isang sasakyan na kung ta.
wagin ng mga tagaroon ay baloto na ang lulan ay walong
katao, at lumapit sa sasakyan na kinalululanan ni Ma-
gallanes.

- 5