This page has been proofread.
―32―
bunga ay maliit pa kay sa almendras Doon, di umano'y,
marami rin namang puno ng palma at sa dako ring yaon
ay maraming puló na may kabilugan.
Dito nila unang nakapanayam ang mga Tagarito sa
Pilipinas, dahil sa kinabukasan na ika (18) labing walo
ng buan ding yaon (Marso) ay nakátanaw si Magallanes
ng isang bangka na nangagaling sa isang malapit na
pulo at patungo sa kanilang sasakyan. At sapagka't
may mga taong lulan, ay hinintay nila, na dumating
naman ang mga iyon na pinangunguluhan ng isang pi
nakapangulo. Mga sinalubong ni Magallanes at sila'y
nakipagkilala. Ng mamalas ng mga ito ang kagandahang
loob na ipinakita sa kanila ni Magallanes ay pagsipag-
regalo ng alak ron at ng iba pa,-at ng mangagpaalam
ay nagsipangakong sila'y bábálik na magsisipagdala ng
mga bunga ng kahoy.
Ang mga taong iyong nábangit ay mga taga Suluan.
Ang mga iyo'y nakipagkilala sa kanila ng di kawasa at
nanalaysay ng maraming bagay sa kanilang wika, na
tuloy sinabi ang pangalan ng ilang kupuluan na kanilang
nalalaman. Sinabi nila na ang kapuluang kanilang kina-
titirhan ay tinatawag na Suluan, at anila'y hindi malaking
pulo. Sapagka't sila'y taong mapapakiharapan at máka
kaunawaan ay kinalugdan nina Magallanes na sila'y pa
kisalamuhaan: at sapagka't may mabubuting asal ay mga
ipinagsama ni Magallanes sa sasakyan at doo'y ipinag-
parangalan niya sa kanila ang boong lulan na mga sina.
mumo, luya at iba pa,
Ng kinabiernesan, na ika (22) dalawang pu't dalawa
ay dumating sa kinatanghalian, yaong mga taong nagsi
pangakong babalik at nangakasakay sa dalawang bangka
na may lulang mga bunga ng kahoy rito, at isang sisi-
dlan ng ron, saka isang manok.