Jump to content

Page:Pagkatuklas sa ating lupain (microform) (IA aqj7886.0001.001.umich.edu).pdf/38

From Wikisource
This page has been proofread.


— 31 —

Mga unang pulong natuklasan dito sa Pilipinas.

Ang unang natuklasan nila ay mga pulong maparáw
na may mga layag, sa gayon ay pinanganlan nilang
"Islas de las Velas" ó "Mga Kapulungang Malayag";
nguni't di umano'y nápagnakawan sila sa mga pulóng
iyan ng isang bote. at sa ganito ay pinalitan nila ng
pangalang "Los Ladrones" ó "Mga Magnanakaw."
Dahil marahil na náasal na iyon sa kanila ay hindi
nila pinagluatang tinigilan ang nábargit na mga kapu ·
luan, kundi sila'y yumaon agad at nagpatuloy na hinanap
nila ang Molukas na kanilang sadya at ang pangalawang
Jupa na kanilang natanawan ay ang silanganang baybayin
ng Samar na ayon sa kanilang pagkatanaw ay isang
pulo na may matataas na bundok at may aguat na (300)
tatlong daang legua sa mga kapuluang "Malayag" ó
"Mga Magnanakaw". Ito'y sinapit nila ng isang araw
ng Sabado na ika (76) labing anim ng Marso ng taong
(1521) sang libo limang daan at dalawang pu₁t isa.
Ng kinabukasan ó ika (17) labing pito ay dumoóng
sila sa isang munting pulo na walang tao at nasa dakong
timog ng Samar. Ang kapuluang yaon na tinigilan ng
kanilang sasakyan ay pinanganganlang Humunu, aní
Pigafetta; nguni't kung tawagin hangang ngayon ay Hu-
monhon ó Malhaw. Doon, anila'y, may maraming ma-
puputing coral at may malalaking punong kahoy na ang