This page has been proofread.
―34―
Si Magallanes naman ay may isang aliping tagá Su
matra na ang pangalan ay Traprobana at kinausap nito
ang mga taong yaon mula sa sasakyan at nakaunawaan
sila, na nangagsilapit sa tabi ng sasakyan, nguni't nag-
silayo agad na di nagsiahon.
Ng mamalas ni Magallanes na kulang ng tiwala sa ka
nila, ay pinagpakitaan ng isang gorang mapula at ng
iba't ibang bagay na kanyang itinali sa isang munting
tabla at agad namang inabot na masaya di umano, ng
nanga sa baloto, at saka nangagsiuwing ibinalita sa ka-
nilang Raha.
Pagkaraan ng dalawang oras ay may nakita silang
dumarating na dalawang mahabang sasakyan na puno ng
tao at kung tawagin ay balangay. Sa pinakamalaki ay
nakalulan ang kanilang Rabá na si Kolambu ang pangalan
at nakaupong nasisitong sa isang karang na banig. Ng
málapit ang mga iyon ay kinausap ni Traprobana ang
Raha at nakaunawang mabuti. Ng magkagayon, ay pi.
naparoon ng Raha ang kanyang mga katao sa sasakyan
ni Magallanes, samantalang siya'y di kumikilos sa kan-
yang balangay na may kalapitan sa kanila.
Siya'y naghintay roon at ng ang kanyang mga katao
ay mangagbalik sa kanyang sasakyan ay yumaon agad.
Yaon namang mga taong nagsisampa sa sasakyan ay
lubhang pinagpakitaan ng loob ni Magallanes, at pinag-
bibigyan ng sarisaring bagay, na dahil dito ay niloob
ni Rahá Kolumbu na gantihin si Magallanes ng isang
barrang ginto at ng isang takbang puno ng luya; ng
ni't di tinangap at nagpasalamat lamang ng marami
Ang pagkapag-asal na gayon ng Raháng si Kolambu
ay masasabi natin isang pagpapakilala ng kanyang
taglay na karangalan at karunungang makipagkapua tao.
At ang di naman pagtangap ni Magallanes ng gayong