dalawang taon na ang nakararaan buhat nang siya’y kapunin at
sadyang ikukulong na sana ng aking ama upang katayin sa loob
ng isang taon. Siya’y isang hayop na kapita-pitagan;.sayad sa
lupa ang tiyan, nakalawlaw ang mga pisngi, nakalubog ang mga
mata na natitiyak kong hindi na niya pakikinabangan. Nakahiga
at naghihilik.
— Sumasambulat ang kanyang diwa! — ang dugtong ng mga inahin.
Samantala, sa tainga niya’y ibinubulong ng baboy na tagapagpahayag:
— Dakilang Botyok, bumangon ka, kinakailangang ngumalngal ka sapagka’t malapit na ang oras ng pagkain.
Dumilat si Botyok at tumugon, sa pamamagitan ng isang ngalngal.
— Kinakailangang ngumalngal ka, ang ulit ng tagapagpahayag sa isang mahinang angal; nakapansin kami ng di-kasiyahan sa mga sisiw at maraming tandang ang nagsisimulang bumulungbulong; malapit nang kumain: bangon na at ngumalngal ka na.
— At ano ang sasabihin ko sa kanila? — ang usisa ni Botyok na humihikab:
— Kahit ano, ipayo mo sa kanila ang kababaang-loob, ang pagtalima, ang pagsunod ...
Nanabik ako nang gayon na lamang sa nangyayari, kaya ako’y nagpakabuti sa pagmamasid at pakikinig.
Si Botyok, bagaman bugnot nang bahagya, ay nagpilit bumangon, iniwasiwas ang buntot, at pagkatapos na ibukang makailan ang bibig at pagalaw-galawin ang mga tainga ay ngumalngal sa gitna ng paghihintay ng madla.
— Mga kapatid ko kay Suwan! Kaming mga baboy ay may lahing lalong mataas, kayo’y may lahing aba. Sino ang makapahihindi sa inyo? Wala sa inyong may ngusong mahaba at naigagalaw na gaya ng sa amin ... °
Tikatikatokkatok! ang putol ng isang pabo, (Ang ibig sabihin nito sa wika ng mga pabo ay: kami rin ay may tukang mahaba, nakabitin,-at pula. Gaya ng mamamalas ninyo — ang wika ng mga pabo — ay maikli at makahulugan.)
69