Jump to content

Page:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/79

From Wikisource
This page has been proofread.

—Totoo, mga kapatid na pabo - ang tugon ni Botyok —kayo'y
may tukang mahaba at pula, siyanga, datapuwa't wala kayo ng
aming mga taingang malalapad.

—Datapuwa't mayroon naman kaming balbas —ang salo ng
isa pang pabo na may mahahabang balahibo sa dibdib.

At pinabilog ang plumahe sa puwit at maharlikang lumakad
lakad.

—Tama, ang lahat nang iyan ay totoo, kapatid na pabo —ang
patuloy ni Botyok na sa wari'y ayaw makipagkagalit sa mapag-
mataas na korporasyon ng mga pabo; —totoo ngang kayo'y may
tuka at balbas at kami'y wala, datapuwa't wala kayo ng mataas
na karangalang mahaplos ng kamay ni Suwan, ang ating Diyos.
at Panginoon, hindi kayo kinapong gaya namin, at sa bagay na
ito'y lalo kayong mababa.

—Mayroon ding mga tandang na kapon! - ang pangahas na
piyok ng isang inahing malaki na ang pagkayamot.

—Totoo —ang may pag-aglahing sabi ni Botyok.



70