ngailangan muna ng mga dantaon ng paglilinis at pagdurusa dahil sa
kasalanan, sa dahilang naging pabaya ka sa pagbabantay sa pintuan, ikaw ay babalik sa lupa.
Napasigaw si San Pedro at nanikluhod.
— Nguni’t Panginoon, ako po’y abalang-abala sa pagtatala ng mga indulhensiya! — anyang pinagdaop ang mga palad.
— Babalik ka-sa lupa at sasamahan mo si Hesus sa kanyang pangingibang bayan — ang patuloy na nagmamatigas ng Walang Hanggan, — Pinahintulutan mong mag-iwan ng iyong mga kahalili sa lupa, na nangagpapanggap na mga kahalili ni Hesus; kaya nararapat, kung gayon, na ikaw ay paroong kasama niya sapagka’t sa ngalan ninyo’y ginagawa roon ang lahat ng pagmamalabis!
Walang nagawa ang dalawa maliban sa itungo ang ulo at pagkatapos na matanggap ang bendisyong maka-ama, ay malungkot na nagsilayo,
— Panginoon — ani San Pedrong tumatangis kay Hesus — ngayo’y hindi na tayo makaliligtas! Wala kayong kaalaman kung paano inaayos ang mga bagay-bagay sa Pilipinas, ako po’y oo, mayroon akong balita. Kung bagaman si Pilato’y naghinaw pa ng kamay, datapuwa’t sa Pilipinas, ang mga kamay ay sadyang dinurumhan. Nang kayo’y ipako ng mga hudiyo sa kurus, ay hindi nila inusig ni ang inyong ina, ni ang inyong mga kamag-anak, ni kahit na ang inyong mga alagad nguni’t, Guro, sa Pilipinas, naku! sa Pilipinas
. ! Doon sa Hudea, noong kayo’y nagpapasan na ng kurus‘ay nagpamalas pa sa inyo ng habag ang mga babae, datapuwa’t sa Pilipinas, hindi pa kayo isinusuplong ay itinatakwil na kayo upang sila’y huwag maging kahina-hinala! Sa aba ko! ay! ay!
— Tapang, Pedro, tapang! Tayo ang may sala. Iniwan mo ang mga susi roon sa lupa, at ako nama’y gumawa ng isang ‘paglalaro ng mga salita tungkol sa iyong ngalan nang itatag ko ang aking iglesiya, at ito’y magtuturo sa aking huwag gumamit ng anumang calambours (kamusmusan) kapag ang pinag-uusapa’y mabibigat at mahahalagang bagay!
144