Jump to content

Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/54

From Wikisource
This page has been validated.


— 51 —

Nang lumilipas na tauong caramihan
ay siyang pagdating nang magcaibigan,
ni Juan Tamad at saca ni Julian
nag mamalas sila at papasial pasial.

Tinamaang titig niyong manga apó
yumapós cay Jua,t, uica nila,i, ito,
amá po ang sabi saan galing cayo
baquit ngayon lamang cayo naparito.

Amá po,i, lauon nang cami,i, naghihintay
ay baquit ngangayon naparito lamang,
umi-iyac sila,t, luha,i, naagay-ay
at capoua yapós na di humiualay.

Ang mahal na hari,t, ibang manga tauo
lubhang nagtatacá sa nangyaring ito,
sa lahat nang mahal ibat, ibang reino
ualang niyapusan cahiman at sino.

C7ndi isang hamac at ualang cuenta
niyapusán nitong mga batang dalua,
anhin na ang hamac at hindi vale na
cun baquin at yao,i, nag ngingibit baga.

Calat ang pulungan niyong capisanan
uica,i, loco yata iyang tauong iyan,
ang sabi nang iba ay di naman ganyan
hichura nang locong ualang cabaitan.

Ang hairng Don Feliz nag-utos pagdaca
at si Juan Tamad ipinadaquip na,
dinalá sa cárcel at piniit siya
uala siyang malay cun anong causa.