Jump to content

Page:Buhay na pinagdaanan ni Juan Tamad.pdf/53

From Wikisource
This page has been validated.


— 50 —

Ang resa nang bandong ipinagtatauag
tungcól bagong tauo mahal man at hamac,
sa real palacio ay mangag siharap
at may patorneo sa arao nang bucas.

At sa iba,t, ibang caapid na reino
ay ipinag-utos ganin ang bandillo,
gayon din ang resa tungcól bagong tauo
mahal man at hamac ay mag siparito.

Ganaping madali,t, sa arao nang bucas
sa real palacio ay matipong lahat,
na houag ang hindi mangag sisiharap
at may patorneo ang haring marilág.

Nang quinabucasa,i, nangag datingan na
sa real palacio ay nagcaipon na,
iba,t, ibang reino,i, pauang naroon na
pagsunod sa hingi nang haring monarca.

Nangusap ang hari sa harap nang tanan
unauain ninyo at aquing tuturan,
anác cong princesa,i, may anác na cambal
na daluang lalaquing pinacamamahal.

Mura man at mahal tungcól bagong tauo
at yapusán nitong aquing daluang apó,
ay ualang pagsala,t, ipacacasal co
princesa Leonila na mutyáng anác co.

Daluang apó niya,i, tinauag pagdaca
pinahalobilo sa tanang grandeza,
sa pagcacapisan nang tauong lahat na
ualang niyapusán daluang apó niya.