— 52 —
Nang oras ding yaon ang haring marangal
nagpagaua agad nang jaulang bacal,
at capagcayari Tamad na si Juan
quinuha sa cárcel doon inilagay.<br
Sa jaulang bacal maisoot doon
ay maraming tauo na pumaparoon,
dahil sa balitang matunóg na hugong
ang na sa jaula,i, nangibit nasangoy.
Una,i, sa balita,t, saca ang isa pa
ibig mapanood tinauag na amá,
balang macaquita uica,i, iyan palá
ang ipacacasal cay Doña Leonila.
Yaon namang daluang anác niyang cambal
palaguing paroon sa jaulang bacal,
ang uica nang dalua na isinisigao
amá po ay baquin cayo,i, naririyan.
Tauong nangaroo,i, lubhang nagtatacá
nagtatalong lubós bait isip nila,
ang hichurang iyan ang uica nang iba
ma-iibig baga ni Doña Leonila.
Anang iba namang nag sasalitaan
hindi masasabi nang sino,t, alin man,
di naquiquilala sa estado,t, lagay
ang tauong mayroong ingat na panglumay,
At may nag sasabing diua ay himalá
nang Dios na Hari nang Langit at lupa,
ay uán cun gayon dapat maniuala
cun pacaná noon ay mangyayari nga.