¿Ano caya Dios? ang uica ni Fabio
gayon ang ugali nang anác cong bnnsó,
marami rin naman na naquiquita co,
caiba at tamad di tumahan dito.
Sagót ni Sofia ay mabuti naman
at doon ay uala na macacaauay,
cun palaguing sama sa manga laroan
ay macacausap nang sino,t, alin man.
Caya houag mo nang piliting hanapin
ang tamad na tauo,i, anhia man at anhin,
sintang esposo co,i, pamanhic at hilíng
aguantahin mo na,t, talaga sa atin.
Hindi na tumutol nang anoman siya
sinunod ang hiling nang casi,t, esposa,
mag mula na noon silang mag-asaua
lumagay ang loob di na alintana.
Sa touing darating na gustong cumain
ni anoma,i, uala silang sasabihin,
pinapara nilang uala sa panimdim
panatag ang loob sa Dios ay hayin.
Ito namang anác ay di nag tatanong
at anoma,i, uala na inioongoy,
sa canyang tahana,i, laguing naroroon
sa oyaying baguing humiga,t, bumangon.
Mana,i, isang gabi na catahimican
sa oyayi niya ay nagugulaylay,
himbing nang pag tulog siya,i, linapitan
nang isang matanda,t, cagyat na pinucao.