Ang pagbasa niyang inuulit ulit
¡oh Dios na Haring aquing iniibig,
hulugan mo aco nang biyayang bait
at biyayang graciang ualang caholilipi
Saca isusunod hulugan mo aco
nang biyayang aua sa pagca higa co,
ipanatag mo po yaring catauan co
sa ligayang lubos ilayó sa tucsó.
Macapangyarihang Amáng maauain
bigyan mo po aco nang aquing cacanin,
sa pagca higa co,i, idulot sa aquin
iinuming tubig naman ay gayon din.
Can siya,i, iníp na niyong pagca higa
sa canyang oyayi siya ay bababá,
sa pag mamadali nagcacandadapa
pupunta sa iná,t, mag papacabuya.
At cun macatapos siya,i, macacain
aalis na muli puló,i, tutunguhin,
hihiga pagdaca sa oyaying baguing
matutulog siya nang himbing na himbing.
Ano,i, nang dumating yaong canyang amá
agad itinanong sa esposang sinta,
ang bunsóng anác co,i, nasasaan baga
baquin uala rito,i, di co naquiquita.
Sa casi,t, esposang isinagót naman
nang macaalis cang quinaumagahan,
macabangon aco,i, uala,t, cun nasaan
at nag balic pala sa dating tahanan.