Juan ang uinica icao ay gumising
at aco sa iyo ay may sasabihin,
nag bangon pagdaca ang sagót ay baquin
ano po ang gusto ibig cong malining.
Tinatatap quita caya naparito
at cucumustahin ang calagayan mo,
mahaba nang arao pagtahan mo dito
di nag caca pulong icao man at aco.
Nuno po,i, malaqui tinangap cong toua
tinatatap ninyo calagayang abá,
maraming salamat Dios ang mag pala
pagcalooban din tayo nang biyaya.
Sa matandang sagót dito sa cay Juan
pagtahan mo dito,i, nag-iisa lamang,
icao,i, bibigyan co,t, pagcacalooban
isang batóng munting perlas ang cabagay.
Iniabot niya cay Juan ang bató
at pinag bilinang ang uica,i, ganito,
pacaiingatan at mamahalin mo
houag masasabi sa alin ma,t, sino.
At ang batong iya,i, ang virtud na dala
anomang hingin mo,i, agad bibigyan ca,
pacamamahali,t, ingatan mo siya
houag masasabi sa ama mo,t, iná.
Tumangap nang touang hindi ano lamang
pag papasalamat niya,i, ualang hangan,
nuno po,i, sa inyong caloob at bigay
ano cayang aquing igaganti naman.