Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/99

From Wikisource
This page has been validated.


— 93 —


makabaril sa daán sa taong parurusahan, samantalang ipinaghahatiran, at ibp.

Ang hamon ay napakatangi. Ang tatlong lalakadlakád ay nangagsilapit.

—Nguni't ginoong Simoun—ang tanong ng mataas na kawaní—¿anó ang mahihitâ ninyó sa pananalo ng kabaitan sa bungangà, at mga buhay ng tao, mğa pagpapatapon at mga pagpatay?

―¡Malakí! Bagót na ako sa kádidingíg ng mga usapang tungkol sa mga kabaitan at nasa kong maipong lahat, ang lahát ng nakakalát sa mundo, na nakapasok sa isáng supot upang itapon sa dagat kahi't na kailanganing pamataw ang lahát ng aking brillante.

—¡Sumpóng din iyán!—ang bulalás na tumatawa ni P. Irene at anó namán ang gagawin ninyó sa mga pagpapatapon at pagpapapatay?.

―Upang linisin ang bayan at pawiin ang lahat ng masasamang budhi.

—¡Ah! hanggá ngayo'y may galit pá kayo sa inyong mga tulisán, gayóng mangyayaring hingán sana kayó ng lalong malaking tubós ó kinuha sana ang lahat ng inyong ala has. ¡Huwag naman kayong walang utang na loob!

Ipinamarali ni Simoun na siya'y hinarang ng mga tulisán, na pagkatapos siyang mapiging na isang araw, ay pinabayaan siyang magpatuloy ng lakad na walang hininging tubós kundi ang dalawá niyáng rebolber na Smith at ang dalawang kahang punglo na kaniyang dalá. Idinugtong pang ipinakukumustá raw sa kaniya ang Capitan General.

Dahil doon at sa dahilang ibinalità ni Simoun mga tulisan ay maraming escopeta, baril at rebolber at sa gayóng mga tao'y hindi maaaring makalaban ang nag-íisá kahit na may sandata, ay lalagdâ ng bagong utos ang Capitang General na ukol sa mga "pistolas de salón" upang maiwasan na ang mga tulisán ay magkaroon ng armás.

—Huwag, huwag!—ang tutol ni Simoun—sa ganáng akin, ang mga tulisán, ay siyáng mga taong lalong may karangalan sa lupaing itó; silá ang tanging kumikita ng ikabubuhay sa mabuting kaparaanan...... ¿Inaakalà ba ninyong kung ako'y nahulog sa mğa kamáy ..... ninyo sa halimbawa, ay pakakawalan ba ninyó akó ng hindi kukunia ang kalahati man lamang ng aking mga hiyas?