— 94 —
Tututol sana si Dn. Custodio; tunay ngâng isang amerika-
nong mulato na walang pinag-aralan ang Simoun na iyon, na sinásamantala ang pakikipag-ibigan niyá sa Capitan General upang
alimurahin si P. Irene. Tunay ngâ kung sa bagay na kung
si P. Irene ang nakádakip sa kaniyá ay hindi siyá nakawalà ng dahil sa gayóng kaliit na bagay.
—Sa ang kasamaan ay wala sa pagkakaroon ng tulisán sa mga bundók at kaparanğan—ang patuloy ni Simoun—ang kasamaan ay nasa sa mga tulisáng bayan....
—Na gaya ninyó—ang dugtong na tumatawa ng kanónigo.
—Oo, gaya ko, gaya natin, tayo'y mangagtapát; dito'y walâng indio na nakadidingíg sa atin,-ang dugtong ng magaalahás— ang kasamaan ay nasa pangyayaring tayong lahát. ay hindi mga tulisáng hayág: kung ito'y mangyari at ma. nirahan na tayo sa gubat, sa araw na iyan, ay ligtás na ang bayan, sa araw na iya'y sisibol ang isang bagong kalipunán na siyá na sa sarili ang mag-aayos.... at sa gayón ay matiwasay nang makapaglalaro ng tresillo ang Capitan General, na hindi siyá kailangang linlangin ng kalihim....
Nang mga sandaling iyon ay naghihikáb ang kalihim at nag-iinát na itinataás sa ulo ang mga kamay at iniunat sa ilalim ng mesa ang mga paa niyang nagkakapatong.
Ang lahat ay nagtawanan ng siya'y mákita.. Pinutol ng General ang pag-uusap at matapos na bitiwan ang barahang kaniyang sinusuksok ay nagwikàng:
—¡Siyá, siyá! Siyá na ang biruan at sugalan; gumawa tayo, pagbutihin natin ang gawa, kalahating oras pá ang kúlang sa oras ng pagkain. ¿Marami bagang bagay ang kailangang lutasío?
Lahát ay nakingíg. Sa araw na iyón pagtatalunan ang ukol sa pagtuturo ng wikàng kastilà, kaya't may ilang araw nang naroroon si P. Sibyla at si P. Irene. Batid nang ang una, sa dahilang siya'y Vice-Rector, ay laban sa panukalà, at ang pangalawa ay kumakatig at kinakatigan namán ng condesa.
—¿Anó, anó?—ang tanong na naiinip ng General.
—Hang hunghol ha maha hama he halon—anáng kalihim na tinimpi ang isang paghihikáb.
—¡Ipinagbabawal mula ngayon!
—Ipagpatawad pô ninyó, aking General,—ang sabi ng ma-