— 95 —
taás na kawani—Ipahintulot po sa akin ng inyong karanğalan na sabihing sa alin mang bansa sa Sangsinukob ay
hindi ipinagbabawal ang mga "armas de salón”
Ikinibit ng General ang kaniyang balikat.
―Hindi tayo nakikigaya sa alin mang bansa sa mundó—ang matigas na sabi ng General.
Kailan ma'y nagkakatalo ang General at ang mataas na kawani, at sukat na ang isang pahiwatig nitó upang ang una'y magmatigás sa kaniyang balak.
Humanap ng ibang daan ang mataas na kawani.
—Ang mga "armas de salón" ay sa inga daga at inahing manók lamang nakasásakit ang wikà—masasabi......
—¿Na tayo'y mga inahing manók?—ang dugtong ng General na kinibit ang balikat—at anó sa akin? Ipinakilala ko nang hindi akó gayón.
—Nguni't may isang bagay ang hiwatig ng kalihim— may apat na buwan lamang ngayón, nang ipinagbawal ang paggamit ng armas, na pinatibayan sa mga mangangalakal na tagá ibang bayan, na ang mga armas de salon ay may pahintulot.
Ikinunót ng general ang noo.
—Datapwâ'y may kagamutan ang bagay na iyan—ani Simoun.
—¿ Papaano?
—Walang kaliwagan. Halos lahat ng "armas de salon" ay may anim na milímetro ang laki ng punglô, tangi lamang kung may ibang laki na ipinagbibilí. Pahintulutang ipagbili ang lahat ng mga walang anim na milímetro.
Pinuri ng lahat ang náisip ni Simoun, tangi ang mataas na kawaning ibinulong kay P. Fernandez na iyon ay hindi tuwid, ni hindi pamamahalà.
—Ang guro sa Tiani, ang patuloy ng kalihim samantalang binabasa ang ilang papel—humihinging bigyan siya ng lalong malaking bahay upang......
—¿Anó pang malaking bahay, sa mayroon na siyáng sariling isang kamalig?—ang putol ni P. Camorra na nalimutan na ang tresillo at lumapit sa usapan.
— Sirâ daw ang bubungán— ang sagot ng kalihim at sa dahilang bumili siya ng mga mapa at cuadro, sa sariling gugol, ay hindi mapabayàang ulani't arawin....