Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/102

From Wikisource
This page has been validated.


— 96 —

—Nguni't wala akong pakialam sa mga bagay na iyan- ang bulong ng General-sa Namamahalà sa Pangasiwàan hu- mingi, sa Pangulong Pulong lalawigan, sa Nuncio.....

—Ang masasabi ko sa inyó-ang sabi ni P. Camorra-ang maestrillong iyan ay isáng filibusterillo na masama ang loob; akalain ba ninyong ipinagsása bí ng ercheng iyan na inililibing daw ng mainam na paglilibing at ang hindi ay magkaisá din kung mabulók! ¡Balang araw ay pagkukukutusán ko iyán, eh!

At inianyông pasuntók ni P. Camorra ang kaniyáng kamáy.

—At sadya namán, —ang wikà ni P. Sibyla na waring walang kinakausap kundi si P. Irene—na ang ibig mag-turò ay maaaring magturo kahit saang dako, sa walang bahay: şi Sócrates ay nagturo sa mga lansangang bayan, si Platón ay sa mga halamanan ng Akademo at si Cristo ay sa mga kabundukan at karagatan.

—Marami akong karaingan ng maestrillong iyán-ang sabi ng General na nakipagsulyapan kay Simoun-inaakalà kong ang lalong mabuti ay alisín siyá.

—¡ Alisín! ang ulit ng kalihim.

Ikinalungkot ng mataas na kawani ang kapalaran ng sawing taong iyón na humihingi ng abuloy at ang nakamit ay ang pagkaalís sa katungkulan, kaya't tinangkang saklolohan.

—Ang katotohanan ay—ang sabing may panganganib— na ang pag-aaral ay hindi naáarugang mabuti.....

—Nagtakda na akó ng maraming halagá na ipamímilí ng mga kailangan—ang sabing mataas ng General, na wa- ring ang ibig turan ay: ¡Gumawâ na akó og higit sa ná. rarapat!

—Nğunit't sa dahilang walang bahay na sadya ay na- ngasisirà ang mga kasangkapang binibili....

—Hindi magagawang sa báysabáy na lahát—ang biglang putol ng General-Hindi mabuti iyang paghingi ng mga gurô dito ng mabubuting bahay gayóng ang mga guro sa España ay namamatay ng gutom. Kalabisán na iyang ibig pang humigit kay sa mga nasa Ináng-bayan.

—¡ Filibusterismo!.... —¡Una muna sa lahat ang Inang-bayan! ¡una muna ang ating pagkakastilà!—ang dugtong ni Ben Zayb na ang