matá'y kumíkináng dahil sa busóg ng pag-ibig sa tinubuang
lupà, at námulá ng kauntî dahil sa nákitang siya'y napag-isa.
—Magmula ngayón-ang sabi ng Generál ay alisín sa tungkol ang bawà't dumaíng.
—Kung ang munakalà ko lamang ay tatanggapin-ang pasumalang sabi ni don Custodio, na waring kinakausap ang sarili.
—¿Ukol sa mga bahay páaralán?
—Magaán, magagawa at walang gugol, na gaya ng lahát ng aking munakalà, anák ng mahabang pagkamalas sa mga bagay bagay at pagkakilala sa lupaing itó. Ang mga bayan ay magkakaroon ng páaralán na hindi paggugugulan ng pamahalaan.
—Batid na ang bagay na iyan ang pakutyang sabi ng kalihim ipag-utos sa mga bayang itayo sa tulong ng kaniláng sariling gugol.
Ang lahat ay nagtawanan.
—Hindi po, hindi po ang sigaw ni Don Custodio na nanğupinyó at namulá—ang mga bahay ay nakatayo na at nag-áantay lamang na gamitin. Mabuti sa katawán, walang kapintasan at maaliwalas......
Ang mga prayle ay may pangambang nagtinginan. ¿Ipalalagay kaya ni Don Custodio na gawing páaralán ang mga simbahan at mga kombento ó bahay-parì?
—¡Tingnan natin!-anáng General na ikinunót ang noo.
—Nápakadali, aking General-ang tugón ni Don Custodio na umunat at ginamit ang malaking boses na kagamitán niya sa mga tanging pagpupulong ang mga páaralán ay bukás lamang sa mga araw na iginagawa at ang mga sabungán ay sa mga araw lamang ng pistá.... Gawing páaralán ang mga sabunğán kahi't sa loob man lamang ng sanglinggóng araw.
—¡Bah, bah, bah!
—¡Pumuslít na rin!
—Nguni't kung anó anó ang naiisip ninyó Don Cus- todio!
—¡Isáng kahalákhalák na panukalà!
—Ang lahat ay nalulusután nító!
—Nguni't mga ginoo-ang sigaw ni D. Custodio ng mádingíg ang gayóng mga pabulalás—magpakatinô ngâ tayo,