¿alin pa ang bahay na lalong agpáng kay sa sabungán?
Malalaki, mabubuti ang pagkakayari, at wala namang kapararakan sa loob ng sanglinggo. At maging sa dako man
ng maayos na ugali tingnan, ang aking panukalà ay matatanggap; magiging isang panglinis at pagsisisi sa lingguhan
ng sabungán.
-Nguni't maminsánminsan ay may sabong sa boong. sanglinggo ang pahiwatig ni P. Camorra at hindi dapat na yamang ang may pasabong ay nagbabayad sa Pama- halaan ay....
—¡Oh, siyá...... sa mga araw na iyan ay huwag mag- paaral!
—¡Bah, bah!-anáng General-lang ganiyáng kakilákilabot na bagay ay hindi mangyayari samantalang ako ang namamahalà! ¡Hindi magpapaaral dahil sa nagsasabong! ¡Bah, bah, bah! imagbibitiw na muna ako ng tungkól!
At ang General ay lubhâ nga mandíng nasusulukasok.
—Nguni't aking General, mabuti na ang mawala sa ilang araw kay sa buwanang mawala.
—¡Iyan ay laban sa mabuting ugali-ang dugtong ni P. Irene na lalo pa mandíng bugnót kay sa General.
—Lalòng laban sa mabuting ugali, ang pagkakaroon ng maiinam na bahay ang sugalan at ang páaralán ay walâ...... Magpakatino tayo mga ginoo at huwag tayong paakay sa mga udyók ng kalooban. Samantalang sa paggalang sa katauhan ay ibinabawal natin ang pagtatanim ng apian sa mğa lupàng ating nasasakop ay binabayaan namán natin ang pagbitit, ang nangyayari'y binabaka natin ang masamang hilig at namumulubi tayo.....
—Nguni't unawàin ninyong iyan ay nagbibigay sa pamahalaan ng may apat na raa't limáng pung libong piso na walang anomang gawa ang tugón ni P. Irene na lalo't lalo pang kumakampi sa pamahalaan......
—Siyá, siya na, mğa ginoo-ang sabi ng General na pinutol ang pagtatalo—mayroon akong balak tungkol sa bagay na iyan at iniuukol ko ang aking pagninilay sa katalinuhang bayan. Mayroon pá bang bagay na pagpapasiyahan?
Wari'y natatakot na tiningnan ng kalihim si P. Sibyla at si P. Irene. Ang pinakamalaki'y lalabas na. Ang dalawa's humanda.