—Ang kahilingan ng mga nag-aaral na humihinging pahintulot upang magbukás ng isang Akademia ng wikang kastilà ang sagot ng kalihim.
Nápuna sa lahat ng nasa salas ang pagkaguló, at matapos silang makapagtinginan ay napatitig sa General upang mákilala ang ipapasiya. May anim na buwan nang ang kahilingan ay nag-aantáy doon ng isang kapasiyahan at naging isáng wari'y casus belli na tuloy ng iláng lupon. Ang General ay nakatungó na waring upang huwag mákilala ng ibá ang kaniyang iniisip.
Bumibigát ang anyo ng pananahimik at ang gayon ay nahalata ng General.
—¡Ano ang pasiyá ninyo?-ang tanong sa mataas na kawani.
—¡Anó pá ang ipasisiyá ko, aking General-ang sagót ng tinanong na kinibit ang balikat at ngumiti ng ngiting malungkot lanó ang ipasisiyá ko kundi ang kahilingan ay karapatdapat at ipinagtátaká ko ang pagtatagal ng anim na buan upang ang bagay na iyan ay mapasiyahan.
—Hindi't may napapagitnâng mga bagay bagay-ang malamíg na tugon ni P. Sibyla na ipinikít ng kaunti ang matá.
Muling ikinibít ng mataás na kawani ang kaniyang balikat na waring hindi niya batid kung ano ang mga bagay-bagay na iyon.
—Bukód sa wala sa panahón ang ninanasà, ang patuloy ng dominiko-bukod sa taglay niyáng laban sa aming kapangyarihan....
Hindi nakapagpatuloy si P. Sibyla at tumingin kay Simoun.
—Ang kahilingan ay may anyông dapat paghinalaan ang dugtong nitong huli na nakipagtinginan sa dominiko.
Ito'y makalawang pumikit. Nang makita ni P. Irene ang gayon ay nahalata na niyang ang kaniyang usap ay talo na halos, sapagka't kalaban si Simoun.
—Isáng payapang pagtakwil, isáng pagbabangong ang gamit ay papel sellado-ang dugtóng ni P. Sibyla.
—¿Pagbabangon, pagtakwil? —ang tanong ng mataás na kawaní, na nápatingin sa madlá na waring walang maantiluhan.
—Ang nangungulo ay mga binatàng kilalá sa pagkama-