Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/106

From Wikisource
This page has been proofread.


— 100 —


kabago at napakalalò, kundi panganganlán ng iba pang tawag; —ang dugtong ng kalihim sa dominiko—ang isá sa kanila'y nagngangalang Isagani, ulong hindi matino...... pamangkin ng isang klérigo....

—Isá sa mga tinúturuan ko ang sagot ni P. Fernán- dez at ako'y nasisiyahang loob sa kaniya.

—¡Puñales, kasiyahan din namán iyán!-ang bulalás ni P. Camorra, kamunti na kaming magpanuntukan sa bapor: sapagka't napakawalang galang, itinulak ko siya at itinulak namán ako!

—Mayroon pang isáng nagngangalang Makaragui ó Makarai......

—Makarai, ang sagot ni P. Irene na nakihalò sa usapan, isang binatang napakagandang ugali at nakalúlugód.

At ibinulong sa General.

—Iyan ang sinabi ko sa inyó, mayaman...... inilulu- hog ng condesa na inyóng tingnan.

—¡Ah!

—Isáng nag-aaral sa panggagamót na nagngangalang Basilio.

—Sa Basiliong iyan ay wala akong masasabi ang tugon ni P. Irene na itinaas at ibinuka ang mga kamay na waring mag do. dominus vobiscum;-sa ganáng akin iyan ay tubig na hindi kumikilos. Kailán ma'y hindi ko naunawà ang ninanasà ni ang iniisip. Sayang at hindi natin kaharáp ngayón si P. Salvi upang magpakilala sa atin ng pinagmulán ng binatàng iyan! Náaalala kong aking nádingíg na sinasabing niyong kaniyang ka- bataan ay may ipinakialam sa kaniya ang guardia sibil.... ang kaniyang amáy nápatay sa isang guló na hindi ko na maa- laala....

Si Simoun ay napangiting malumanay, walang kalatís, ipinatanáw lamang ang kaniyáng ngiping mapuputî't mabuti ang pagkakahanay ....

—¡Ahá, ahá!-anáng General na tumango tango-¿gayón palá? ¡Italâ ninyo ang pangalang iyán!

—Nguni, aking General,-ang sabi ng mataas na kawani ng makitang masama ang tungo ng salitaan-hanggang sa ngayon ay wala pang nababatid na bagay na laban sa mğa binatang iyán; ang kanilang kahilingan ay matuwid at wala tayong karapatáng huwág dinggin dabil sa panunuláy la- mang sa mga hakàhakà. Sa akalà ko ay nararapat na sang-