Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/107

From Wikisource
This page has been proofread.


— 101 —


ayunan ng Pamahalaan ang kahilingan at sa gayon ay magpapamalas ng kaniyang pagkakatiwalà sa bayan at ng katibayan ng kaniyang pagkakatatag at siya'y may kalayaang bawiing muli ang pahintulot kung makitang dahil sa kaniyang mabuting kalooban ay nagpapakalabis. Mğa sanhi at paraán sa pagbawi ay hindi mawawalán, mababantayán natin silá... ¿Anó't pasasamâin ang loob ng ilang binatà, na mangyayaring magdamdám pagkatapos, gayóng ang kaniláng hinihiling ay nalalagdá sa mga utos ng hari?

Si P. Irene, si don Custodio at si P. Fernández ay nagpamalas ng kanilang pagsang-ayon sa pamagitan ng tango ng ulo.

—Nguni't ang mga indio ay hindi nararapat inátuto ng wikàng kastilà abatid bagá ninyo?-ang sigaw ni P. Camerra-hindi dapat mátuto, sapagka't pagkatapos ay nakikipangatuwiranan sa atin, at ang mga indio ay hindi dapat mangatuwiran kundi sumunód lamang at magbayad.... hindi dapat manghimasok sa pagsuri ng sinasabi ng mga kautusán at ng mga aklát inapakamatatalas at mga mapag-usáp! Pagkaalám ng wikàng kastilà ay nagiging kalaban ng Dios at ng España.... basahin ninyó ang kabuhayang "Tandang Basio Makuna" at kung hindi gayón; iiyán ang aklát! ¡May mga katotohanang ganganitó!

At ipinakita ang mabibilog niyáng kamay na pasuntók. Hinaplós ni P. Sibyla ang kaniyang anit na bilang tanda ng pagkainip.

—¡Isáng salitâ!-aniyá na umanyô ng anyông lalong mapayapà sa gitna ng kaniyang pagngingitngit-hindi ang pagtuturò lamang ng wikàng kastilà ang pinag-uusapan dito, dito'y may isang piping pagtutunggali ng mga nag-aaral at ng mga pari sa Unibersidad ng Sto. Tomás; kung masusunód ng mga nag-aaral ang kanilang hangád ay manghihinà ang pananalig sa amin, sasabihing kami'y dinaíg at mangagmamataás, at wala na ang paniniwalà, wala na ang lahát! Pagkaguhô ng unang sagkâ sino pá ang makahahadláng sa kabataang iyan? Sa aming paglagpák ay wala kaming gagawin kun di ang ipakilala namán ang paglagpák ninyo? Matapos kami ang pamahalaan namán.

—Iyan ang hindi mangyayari, puñales! ang sigaw ni P. Camorra-itingnan muna natin kung sino ang may malakás na pangsuntók!