Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/108

From Wikisource
This page has been proofread.


— 102 —

Sa gayon ay nagsalita si P. Fernández, na sa boong pagtatalo ay nanirá lamang sa kangingiti. Lahat ay nakimatyág sapagka't kilalang siya'y may mabuting ulo.

—Huwag sumama ang loob ninyó sa akin, P. Sibyla, kung hindi ninyó akó káisá sa paghuhulòng ukol sa bagay na ito, nguni't nápakatanging kapalaran ang sa akin, na kailan man balos, ay kasalungát akó ng aking mga kapatid. Ang sabi ko nga'y hindi tayo dapat mabaklá. Ang pagtuturò ng wikang kastilà ay mangyayaring pahintulutan ng walang anománg kapanganiban, at upang huwag lumabas na isáng pagdaíg sa Unibersidad, ay nararapat na tayong mga dominiko ay magpauná sa pagkagalák ng dahil sa bagay na iyan; iyan ang política. Bakit tayo makikipaglabanan tuwi na sa bayan, sa tayo ay kakaunti at sila ay marami, sa kailangan natin sila at tayo'y hindi nila kailangan?-¡Hintáy muna kayó, P. Camorra, hintay muna kayo!-Payagan na nating ngayon ay mahinà ang bayan at walang maraming nálalaman, ako mán ay gayón din ang akala ko, nguni't bukas ay hindi na gayón, ni sa makalawá. Bukas makalawá ay sila ang magiging malakás, mababatíd ang kanilang mga kailangan at hindi natin mapipigil, gaya rin naman ng hindi mangyayaring mapigil, na, pagdating ng bata sa ilang gulang ay makaalam ng maraming bagay... Ang sinasabi ko nga ay ¿bakit hindi natin samantalahin ang kalagayang ito sa kamangmangán upang magpalit ng paraan sa pamamalakad at itatág sa matibay na batayán, na hindi mapapawi, sa batayang katwiran, sa halimbawa, at huwag sa batayang kamangmangán? Sapagka't wala nang kagaya ng maging makatwiran, gaya ng sinabi ko sa tuwi na sa aking mga kapatid, nguni't. ayaw akóng dinggín. Ang indio, gaya rin ng alin mang bayang batà pá ay mapag-usig ng katwiran; humihingi ng parusa kung nagkasala, at námumuhi pag hindi kinamit ang gayón. Marapat ang hinihingi? Ipagkaloob, ibigay natin sa ka- nila ang lahat ng páaraláng kailangan, mapapagod din silá: ang kabataan ay bulagbol na talaga, ang nag-uudyók lamang sa kanilá sa pag-uusig ay ang ating pagsalungát. Ang ating panilòng karangalan ay lumà na, P. Sibyla: gumawa tayo ng ibá, ang panilòng pagkilala ng utang na loób, sa halim- bawà. Huwag tayong magsamangmang, gayahan natin ang mga hesuita....