— 103 —
—¡Oh, oh, P. Fernández!
Hinding hindi: matitiis na lahát ni P. Sibyla, liban na lamang sa pagayahan sa kaniya ang mga hesuita. Namumutla't nanginginig na nagbubusá ng mga matalas na wikà.
—Magpransiskano na muna.... ¡Kahit na anó, huwag lamang hesuita ang sabing walang patumangga.
—¡Oh, oh!
—¡Eh, eh! Padre P.....!! Ang sumunod ay isang pagtatalong panabáy ng lahát, na nalimot na ang General; nagsasalitang sabiysabáy, nagsisigawan, hindi mangagkalinaw, nangagtatalo; si Ben Zayb ay kaharap ni P. Camorra at nag-uumangán ng suntók, binabanggit ng isá ang mga gansâ at ang isa'y ang mga manghihitít ng tintá, tinutukoy ni P. Sibyla ang kapítulo at si P. Fernández namán ay ang sa Summa ni Sto. Tomás, at ibp., hangáng sa pumasok ang kura sa Los Baños at sinabing nakahanda na ang, pananghalian. Tumindíg ang Capitan General at sa gayo'y naputol ang pagtatalo.
—¡Siya, mga ginoo!—ang sabi-ngayo'y marami tayong nagawa, gayóng tayo'y nasa kapanahunan ng pagpapahinga! May nagsabing ang nga maseselang na bagay ay dapat pagsa pag-usapan sa pagtatapos ng pagkáin. Ako'y lubós na sang- ayon sa sabing iyon.
—Baka masirà ang tiyán natin ang sabi ng kalihim, na ang tinutukoy ay ang init ng salitaan.
—Kung gayon ay ipagpabukas na natin. Nagtindigang lahat..
—Aking General-ang sabing marahan ng mataas na kawan ang anak na babai ni kabisang Tales ay nagbalik na muli't hinihingi ang paglayà ng kaniyáng nunòng may sakit na hinuling bilang kapalít ng amá...... Tiningnán siyáng masama ang loob ng General, na hinaplós ang malapad na noó.
—Putris yatang hindi na babayaang ang tao'y maka- pananghaling mapayapà!
—Ikatlong araw na ng kaniyang pagparito; isáng kaawàawàng dalaga....
—¡Ah, demonio!--ang bulalás ni P. Camorra--sinasabi ko na ngang mayroon akong bagay na sasabihin sa Gene.