Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/110

From Wikisource
This page has been proofread.


— 104 —


ral; kung kaya nga akó naparito ay...... upang katigan ang kahilingan ng binibining iyán! Kinamot ng General ang kaniyáng tainga.

—Siya—ang sabi-padalhán ng sulat ng kalihim ang teniente ng guardia sibil upang pakawalán. ¡Hindi masasa- bing hindi akó maawain at mahabagin! At tumingin kay Ben Zayb. Ikinisáp ng mamamahayag ang kaniyang matá.

XII

PLÁCIDO PENITENTE

Masama ang loob at halos ang mga mata'y lumuluhà ng lumalakad sa Escolta si Plácido Penitente upang tumungo sa Universidad ng Sto. Tomás.

May mga ilang linggó lamang na kararating na galing sa kaniyang bayan at makálawá nang sumulat sa kaniyang iná na ang iniuukilkil ay ang kaniyang nasang iwan ang pag-aaral upang umuwi at maghanap buhay. Sinagót siyá ng kaniyang iná na magtiístiis, makuha man lanang ang pagka bachiller en artes, sapagka't sayang namang iwan ang pag-aaral, matapos ang apat na taong paggugugol at paghihirap ng isa't isá sa kanilá.

¿Saán buhat ang pag-ayaw ni Penitente sa pag-aaral, gayóng siya'y isá sa mga masumigasig at bantóg sa paaraláng pinamamahalaan ni P. Valerio sa Tanawan? Doon ay nábibilang si Penitente na isá sa mga lalong mabuti sa latin at matalas sa pakikipagkatwiranan, na marunong gumusót at maghanay ng mga paguusap na lalong magàan at walang kahirapan siyá ang inaaring lalong pinakamatalas ng kaniyang mga kababayan, at dahil sa kabantugang iyon, ay ibinibilang na siyang pilibustero ng kaniyang kura, katunayang lubós na hindi siyá hangál ni táong walang namumuwangan. Hindi máwatasan ng kanyang mga kasama ang gayóng nasàng pag-uwi at iwan ang pag aaral; wala namang nililigawan, hindi mánunugal, bahagya ng marunong ng hungkian at kapangahasan na sa kaniya ang pakikilaro ng isang rebesino; hindi naniniwala sa payo ng mga prayle, kinukutya ang Landáng Basio, may salaping higit sa kailangan, may mahuhusay na damit; nguni't gayón man, ay masama ang loób kung pumasok at kinasusuklamán ang mga aklát.