Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/98

From Wikisource
This page has been validated.


— 92 —


neral—leh! Simoun, eh, mister! ibig bagá ninyóng makilahók sa isang larô?

—Ano ang ipasisiyá tungkol sa mga "armas de salón??— ang tanong ng kalihim na sinamantala ang pagkakahinto. Domungaw si Simoun.

—¿Ibig baga ninyong maupo sa lagay ni P. Camorra, ginoong Simoun?—ang tanong ni P. Irene—ang itatayâ ninyo'y brillante at hindi tantós.

—Walang kailangan sa akin ang gayón—ang sagót ni Simoun na lumapit at ipinapagpág ang yeso na nasa kaniyáng kamay at kayó ¿anó ang inyong itataya?

—¿Anó bá ang maitatayâ namin ang tugón ni P. Sibyla —Ang General ay makatátaya ng maibigang itaya, nguni't kami, mga pari, mga sacerdote......

—Bah! ang putol na pakutyâ ni Simoun—ang ibaba— yad ninyong dalawá ni P. Irene ay mga kaawànggawa, panalangin, kabaitan, ¿anó?

—Batid ninyong ang mga kabaitang taglay ng isa't isá ang talád na walang halòng birò ni P. Sibyla—ay hindi kagaya ng mga brillante na maaaring másalin sa iba't ibáng kamay, ipagbili na sa isa't ipagbilí pa nitó.... yaón ay dalá ng tao, mga bagay na hindi málalayo sa katawán....

—Kung gayon ay papayag akóng sa salita na lamang ninyó akó bayaran ang pakling masayá ni Simoun—Kayó P. Sibyla sa bawà't limáng tantós na ibibigay ninyo sa akin ay sasabihin na lamang ninyó, sa halimbawà: lilimutin kong limang araw ang karálitàan, ang kababaang loob, ang pagkamasunurin.... kayó namán P. Irene: lilimutin ko ang kalinisang ugali, ang pagkamababagin, at ibp. Nakita na ninyó na napakaunting bagay, at akó, ang ibibigay ko'y ang aking mga brillante.

—Nápakatanging tao itong si Simoun, kung ano anó ang iniisip ang sabing tumatawa ni P. Irene.

—At ito, ang patuloy ni Simoun na tinangki sa balikat ang General ang ibabayad nito sa akin sa bawà't limáng tantós ay isáng cale na katimbang ng limang araw na pagkakabilanggo, sa isang solo ay limáng buwan, sa isáng codillo ay isang utos na pagpapatapon, na walang nakatalâng pangalan, sa isang bola.... ay isang utos sa guardia sibil na