Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/97

From Wikisource
This page has been validated.


— 91 —


mga pag-aalis sa katungkulan, pagpapatapon sa malayòng lupà, pagbibigay ng biyayà at ibp., nguni't hindi pá dumarating sa malaking usapang inaantay ng lahat, ang ukol sa kahilingan ng mga nag-aaral na pahintulutan siláng makapagtayo ng isáng Academia ng wikàng kastilà.

Ang isang kawaning may mataas na katungkulan, si don Custodio at isang prayleng nakatungó at waring may iniisip ó may kabigatan ang loob (P. Fernandéz ang kaniyang pangalan) ay nangagtatalong marahan ang usapan, samantalang payao't dito silá sa dalawang dulo ng salas. Sa isang silid na kalapít ay nádidingíg ang tunog ng mga bola ng billar, tawanan, halakhakan, ang boses ni Simoun; ito'y nakikipagbillar kay Ben Zayb.

Si P. Camorra ay biglang nagtindíg.

—¡Si Cristo na ang makisugal sa inyó, puñales!—ang pabulalás na sabing kasabay ang paghahagis ng inga barahang nálalabí sa kaniya, sa ulo ni P. Irene—i puñales! ang taya ay sigurong siguro na, kundi man ang codillo, at natalo pá dahil sa tawag! ¡Puñales! si Cristo na ang makisugal!

At galit na galit na isinasalaysay sa lahat ng naroroon ang pangyayari, lalong lalo na sa tatlong naglalakád, na waring siyang ibig niyang pahatulin. Sumúsugal ang General, siyá ay laban, may tiklóp na si P. Irene: humatak siyá sa espada at ¡puñales! hindi pinasunod ng kamoteng si P. Irene ang kaniyang masamang baraha. ¡Si Cristo na ang makilarô! Siya'y hindi naparoon doon upang magpatalo ng salapi at durugin ang kaniyang ulo sa walang kapararakan.

—Ang akala marahil ng neneng itó—ang patuloy na námumulá ay kinikita ko ang salapi ng papalikwatlikwat lamang. ¡Ngayón pá namang ang aking mga tao'y nangagsisitawad na!

At umuungol na tumungo sa kinalalagyan ng billar, na, hindi na pinakinggan ang mga hinging ipagpaumanhin ni P. Irene na nagtatangkang mangatwiran sa tulong ng paghaplós ng ilong.

—Ibig pô bá ninyong umupo, P. Fernandez?—ang tanóng ni P. Sibyla.

—Masamang manglalarò akó ng tresillo—ang sagot ng prayle.

—Kung gayo'y paparituhin si Simoun—ang sabi ng Ge-