— 89 —
hindi natimbangán ni Ben Zayb ng salitang pagpuri) at pinawi ang lahat ng pangambá at sinabi, na siya'y naaawang pumatáy ng mga hayop sa gubat.
Kung ipagtatapát ay sadyâ ngâng nasisiyahang loob ang General at inter se ay nalulugód siyá, sa dahiláng ¿anó ang nangyari sana kung hindi tumamà sa pagtudlà sa isáng usá na hindi nakababatid ng galing dapat ipamalas sa mga gayong kaparaanan? ¿saán masasadlák ang karangalan ng nakapamamahalà? ¿Bákit? ¡Isá ba namáng Capitang General ang hindi tumamà na wari'y bagong nangangaso! ¿anó na lamang ang wiwikain ng mga indio, na, sa kanila'y mayroon din namang ilang mabuting manudla? Málalagay sa kapanganiban ang tibay ng Inang bayan.....
Yaón ang sanhi kung kaya't ipinag-utos ng General (na. nakatawa ng tawang koneho at anyông mangangasong masama ang loób) ang pagbabalik kaagad sa Los Baños, at ipinaghambóg, sa paglalakbay, ang kaniyang kagitingan sa pangangaso sa ganitó ó gayóng pángasuhán sa España at waring ibig ipahiwatig ang pag-alipustâ niyá sa mga pangangaso sa Pilipinas, bagay na inaakalang kapit sabihin dahil sa nangyari; ipsć! ang paliligò sa Dampalít (daáng paliit), ang siganğan sa baybay ng lawa, ang paglalaro ng tresillo sa palasyo at pagdayo sa gayón ó ganitong kalapit na binúbulusán ng tubig ó sa lawang kinalalagyan ng mga buwaya ay mainam pá kay sa roón at hindi pá mápapará ang karangalan ng inang bayan.
Nang isá sa mga huling araw ng buwan ng Disiembre ay nakikipaglaro ng tresillo ang Capitang General sa. mantalang inaantay ang oras ng pananghalian. Katatapos pá lamang niyang maligò at pag-inom ng isang basong sabáw at lamán ng buko, kaya't ang mga sandaling iyon ay siyang bagay samantalahin sa paghingi ng mga biyayà. Isá pang nakapagpaparagdag sa kaniyang katuwaan ang pananalo, sapagka't pinupunyagi ni P. Irene at ni P. Sibyla, na kaniyang mga kalaban, ang lihim na pagpapataló, samantala namang si P. Camorra ay nagngíngitngit sapagka't, sa dahilang karárating pa lamang ng umagang yaon ay hindi niyá batid ang mga pakanang iyón. Sa dahilang pinagbubuti ng paring-artillero ang pakikipaglaro ay namúmulá at nápapakagát labi sa tuwing malilibáng ó mámamali sa pag-