— 88 —
sa yakap ng inyong mga asawa at sa halík ng inyong mga
anák... Mahigit sa tiniís ni kabisang Tales ang tiniís ng
bawa't isá sa inyó, nguni't gayón man, ay walâ sa inyong
naghigantí. Hindi nagkaroón sa inyó ng lingap ni kaawaan
at pinag-usig pa kayó hangáng sa kabilang buhay, gaya ng
ginawa kay Mariano Herbosa.... ¡Lumuhà kayó ó matuwa
sa mga liblib na pulông iyong linálagalág nang hindi alám
ang sasapitin! Kinakandili kayó ng España, at sa málao't
mádali ay tatamuhin ninyó ang katwiran!
ΧΙ
LOS BAÑOS
Ang kataastaasang Capitan General at Namamahalà sa Kapuluang Pilipinas ay nangaso sa Busóbusó.—Nguni't sa dahilang may abay na isang bandang músika (sapagka't ang gayóng kataás na tao'y hindi dapat máhulí sa mga santóng kahoy na ipinagpuprusisyón) at sa dahilang ang pagkagiliw sa di matingkalâng arte ni Sta. Cecilia ay hindi pa laganap sa ugali ng mga usá at baboy.damó sa Busóbusó, ay walang nahuli ni isá mang dagâ, ni ibon, ang General na may kasamang banda ng músika at kaalakbay na mga prayle, mga militar at mga kawaní.
Inakala na ng mga may kapangyarihan sa lalawigan na may maaalis sa katungkulan ó kaya'y malilipat; ang mga kaawàawàng kapitán sa bayan at mga kabisa ay hindi nangápalagay at hindi nangákatulog sa panganganib na baká masumpungán ng maalindog na mánğangasó ang ipalít silá sa mga hayop sa gubat na hindi marunong umalinsunod, gaya ng ginawa na ng isang alcalde noóng mga nakaraang araw na napapasán sa tao, sa boô niyang paglalakbay, sapagka't walang mabait na kabayong maaásahang hindi magbabagsak sa kaniya. May isang balitàng kumalat na mayroon ngang gagawin ang General sapagka't ang gayóng pangyayari umanó ay isang simula ng paghihimagsik na dapat sugpûín kaagád: na ang. isáng pangangasong walang nahuli ay makasisira sa karangalan ng mga kastilà, at ibp., at humanap na tuloy ng isáng kahabaghabág na taong papagsusuutin ng suot usá, nang sinabi ng General (sa udyók ng isang pagkahabag na