Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/93

From Wikisource
This page has been validated.

— 87 —


lakad, sapagka't sa dahilang wala na kayó sa aking bahay, ay hihingán namin kayó ng malaking tubós pag kayo'y aming nabihag.

Telesforo Juan de Dios.

—Nátagpûán ko rin ang taong aking hinahanap!—ang bulóng ni Simoun—may kaunti pang balisa....... nguni't lalong mabuti; mátututong gumanap sa kaniyang ipangako.

Ipinag-utos sa kaniyang alilà na tumungo sa Los Baños na sa dagat-dagatan magdaan at dalhin ang malaking maleta, at doon siyá hintín, sapagka't siya'y sa katihan magdáraán na dalá ang kinalalagyan ng mga batóng mahahalaga.

Ang pagdating ng apat na guardia sibil ay lalò pang nakagalak sa kaniya. Húhulihin ng mga sibil si kabisang Tales, nguni't sa dahiláng hindi nákita ay si tandâng Selo ang dinalá,

Tatlong patayan ang nangyari sa gabing yaón. Ang praileng nangangasiwà sa hacienda at ang bagong hahawak ng mga lupà ni kabisang Tales ay nangátagpuang patay, baság ang ulo at may sumpál na lupà sa bibíg, sa kalapit ng mga lupain nitó; sa bayan, ang asawa ng bagong mag-aari ng lupà na pinatay ay patay ding inumaga, na punô rin ng lupà ang bibig at pugót ang ulo, at may kasiping na papel na kinasusu latan ng pangalang "Tales" na ang ipinanulat ay daliring isinawsaw sa dugo...

¡Manahimik kayó, mapapayapang tagá Kalambâ! Sa inyo'y walang nagngangalang Tales, sino man sa inyo'y hindi siyang nakagawa ng kasalanan! Ang mga pangalan ninyo'y Luis Habana, Matias Belarmino, Nicasio Eigasani, Cayetano de Jesús, Mateo Elejorde, Leandro López, Antonio López, Silvestre Ubaldo, Manuel Hidalgo, Paciano Mercado, kayo ang boong bayan ng Kalambâ!.... Lininis ninyó ang inyong mga bukirín, ginugol ninyo sa kanila ang boong buhay, ang mga naimpók, mga pagpupuyát, pagtitipid, at pagkatapos ay inalis sa inyó, pinalayas kayo sa inyong mga tahanan at ipinagbawal sa iba ang kayo'y patuluyin! Hindi pa nasiyahang lapastanganin ang katwiran kundi niyurakan sampû ng mga banal na kaugalian ng inyong bayan.... Naglingkod kayo sa Hari at sa España, at ng sa ngalan nila'y pinag-usig ninyó ang katwiran ay itinapon kayo't sukat ng hindi man linitis, inilayo kayó