— 84 —
másusuot na ang dalawang daliri ng sino man sa atin; sinasabi ko na nga, tayo'y pumápauróng.
—Mayroon pa akóng mga ibang hiyas dito....
—¡Kung lahat ay kaayos niyan ay salamat!—ang sagót ni Sinang—ibig ko na ang mga bago.
Ang bawa't isa'y pumili ng isang hiyas, may kumuha ng isang singsing, may isang orasán, may isáng guardapelo. Ang binili ni kapitana Tikâ ay isang agnós na may kaputol ng bató na nádiinan ng ating Poong Jesucristo sa ikatlong pagkakadapâ; si Sinang ay isáng hikaw at si kapitang Basilio ay ang tali ng orasang pabili ng alperes, ang mga hikaw ng babai na pabili ng kura at ibá pang bagay na panghandóg ang ibá namáng magkakaanak na taga Tiani ay bumili rin ng hanggang may ibibili upang huwag máhulí sa mga taga San Diego.
Si Simoun ay namimilí rin naman ng mga lumang hiyás, nakikipagpalitan, kaya't dinalá roon ng mga mapag-impók na iná ang mga hiyás na hindi na nilá magamit.
—¿At kayó, wala po ba kayong ipagbibilí—ang tanong ni Simoun kay kabisang Tales, dahil sa nákitang minamalas nitong may taglay na inggit ang mga pagbibili at pagpapalitan.
Sinabi ni kabisang Tales na ang mga hiyas ng kaniyang anak ay naipagbili na at ang mga nátitirá ay mga walang halagá.
—At ang agnós ni María Clara? ang tanong ni Sinang.
—¡Siyá ngâ palá!—ang bulalás ng lalaki, at biglâng kuminang ang paningin.
—Yaón ay isang agnós na may brillante at esmeralda—ang sabi ni Sinang sa mag-aalahás na ginamit ng aking kaibigan bago magmongha.
Si Simoun ay hindi sumagót; sinundán ng tingin si kabisang Tales.
Matapos mabuklát ang ilang kahon ay natagpuan ang hiyás. Pinagmasdáng mabuti ni Simoun, makáiláng binuksán at isinará; yaon nga ang agnós na suot ni María Clara noong pistá sa San Diego, na sa pagkahabág ay ibinigay sa isáng ketongin.
—Ibig ko ang pagkakaayos ang sabi ni Simoun—isa. magkano pô ninyó pagbibilí?