Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/89

From Wikisource
This page has been validated.


— 83 —

Yaón ay isang wari'y kolyar na binubuo ng iba't ibang palawit na ginto na mga ayos anitong uwang na kulay dahon. at bughaw, at sa gitna'y may isang ulo ng buitre na gawa sa bató, na ang kilabot ay katangitangi, na nápapagitná sa dalawáng pakpák na nakabuká, sagisag at hiyas ng mga haing babai sa Ehipto.

Nang makita ni Sinang ay ikinimbót ang ilóng at ngumuwing paalipusta na wari'y batà, at si kapitang Basilio kahit na may malaking hilig sa mga lumang arì ay hindi nakapigil ng isáng labá na anák ng hindi kasiyahang loob. sa nakita.

—Isáng mainam na hiyas na naingatang mabuti, kaya't mayroon nang dalawang libong taón ang tanda.

—Psh—ang sabing agád ni Sinang upang huwag mahulog sa tuksó ang kaniyang amá at nang huwag bilhin.

—¡Hangál!—ang sabi nito, na napigil ang kaniyang hindi kasiyahang loob na una—ano ang malay mo kung umalinsunod sa kolyar na iyan ang kalagayan ngayon ng kabuhayan. ng tao? Sa pamag-itan niyan marahil ay násilò ni Cleopatra si Cesar, si Marco Antonio...... iyan ay nakadingig ng mga panunumpa sa pag-ibig ng dalawang lalòng bantóg na bayani sa kanilang kapanahunan, iyan ay nakádingíg ng mga banggit na lubhang ayos at malinis na wikàng latín, at maanong mágamit mo na lamang siyá!

—¿Akó? ¡ni hindi ko pá iyan tawaran ng tatlong piso!

—Kahi't na dalawáng pû'y matatawaran, gouga!—ang sabing animo'y may pagkabatid ni kapitana Tika—mabuti ang ginto at maaaring gawing ibang hiyas kung tunawin.

—Ito'y isang sinsing marahil ni Sila—ang patuloy ni Simoun.

Ang sinsíng ay maluwang, buo ang ginto at may isáng taták.

—Iyan marahil ang taták na itinitik sa mga kahatuláng pagpatay noong siya ang nag-uutos ang sabing namumutla sa pagkatigagal ni kapitang Basilio.

At tinangkang siyasatin at hulaan ang ibig sabihin ng taták, dátapwa'y kahi't nagpilit at pinihit-pihit ay wala siyang nábasa, sa dahilang hindi siya maalam ng paleografia.

—Napakalalaki ang daliri ni Sila!—ang sabi tuloy—