— 82 —
kamalaymalay at di makasásama sa kanĝino man, malinis
na waring buhanging natanggal sa langit, sa isá lamang nitó
na ihandog sa ukol na panahón ay nagawa ng isang tao
ang ipatapon ang kaniyang kagalít, isáng magulang na may
inaampóng mga kaanak, na wari'y nangguló sa bayan.... at
dahil sa isang munting bató pang gaya nitó, mapuláng wari'y
dugo ng puso, gaya nang nasàng paghihiganti at kumikislap na
gaya ng luha ng mga ulila ay hinigyang layà, ang tao'y nakauwi sa kaniyang tahanan, napagbalikan ng amá ang kaniyáng mga anák, ng asawa ang kaniyang kabiyak ng puso,
at marahil ay nailigtás ang isáng boong mag-aanak sa isáng
marálitang sasapitin.
At samantalang tinátapik tapík ang sisidlán:
—Mayroon ako dito, gaya ng nasa tataguan ng mga manggagamot—ang patuloy sa wikàng tagalog na hindi tumpák—ang buhay at ang kamatayan, ang lason at lunas, at sa isang dakót na ito ay magagawa ko ang lunurin sa luhà ang lahat ng tao dito sa Pilipinas!
Ang lahat ay sindák na nápatingin sa kaniya sa pagka't nabábatid nilang tunay ang sinasabi. Sa boses ni Simoun ay nápupuná ang isang kakaibang tingig at matalas na tingin ang wari'y namumulás sa kaniyang salaming bughaw sa matá.
Waring upang maputol ang pagkakamangha ng mga taong iyon sa pagkamalas sa mga batóng nakita, ay itinaas ni Simoun ang bandeha at inilantád ang ilalim na pinagtataguan ng sancta sanctorum. Mğa sisidláng balát sa Rusia, na hiwáhiwalay dahil sa mga halang na bulak ang siyang pumúpunô sa káilalimang ang balot ay tersiopelong mangabóngabó ang kulay. Lahat ay nag-aantay na makakikita ng mga kahangahanga. Ináantay ng asawa ni Sinang na makakita ng mga karbungko, mga batóng nag-aapoy at kumíkinang sa gitna ng kadilimán. Si kapitáng Basilio ay nasa pinto ng kabantugan; makakikita ng bagay na may katuturán, bagay na katunayan, ang katawan ng kaniyang mğa laging pinangarap.
—Ang pamuting itó aa liig ay kay Cleopatra—ang sabi ni Simoun at maingat na kinuha ang isang kahang lapád na ang ayos ay kalahating buwán—isáng hiyás na hindî mahahalagahán, isang bagay na nárarapat lamang ilagay sa mga museo, sa mga pamahalaang mayayaman lamang nauúkol.