Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/85

From Wikisource
This page has been validated.


— 79 —


ang mga sápiro, esmeralda, rubí, turkesa at brillante ay magkakasamang anyông tutubí, paróparó, panilan, pukyutan, uwang, ahas, himbubuli, isdâ, bulaklák, kumpól, at ibp. may sukláy na ayos diadema, gargantilya, pamuti ng liig na perlas at brillante, na dahil sa kagandahan ay hindi tuloy napigil ng ilang dalaga ang isang pahangàng ¡inakú! at si Sinang ay napapalaták, kaya't kinurót siyá ng kaniyang inang si kapitana Tikâ, sapagka't bakâ lalong mahalán ng mag-aalahás ang daláng lakò. Patuloy pa rin si kapitana Tikâ sa pagkurót sa kaniyang anák kahit may asawa na.

—Hayan po ang mga brillante sa una—ang sabi ng mag- aalahás ang singsing na iyán ay inarì ng princesa Lamballe, at ang mga hikaw na iyán ay sa isang dama ni María Antonieta.

Ang itinurò'y iláng magagandáng brillante na kasinglaki ng butil ng maís, ang kintáb ay mangasúlnğasul, mainam, na waring taglay pá nila ang mga pangingilabot noong kapanahunang tinawag na "mga araw ng hilakbót"

—¡Ang dalawáng hikaw na iyán!—ang sabi ni Sinang na ang tingin ay sa kaniyang ama at ipinagsasanggalang ng kamay ang bisig na nálalapít sa kaniyang iná.

—Ibáng lalò, pang matatandâ, ang mğa romana—ang sagot ni kapitáng Basilio na sabay ang kindát.

Inisip ng mapanatang si Hermana Penchang na kung yaon ay ihandog niya sa Birhen sa Antipolo ay pahihinuhod. at ipagkákaloób ang kaniyang pinakamasidhing hangád: malaon ng humihingi siyá ng isang kababalagháng bunyág na kahalo ang kaniyang pangalan upang huwag nang mapawi ang pag-aalala sa kaniyá dito sa lupà, at pagkatapos ay magtuloy sa langit, gaya ni kapitana Inés ng mga kura, kaya't itinanong ang halagá. Nguni't tatlóng libong piso ang turing ni Simoun. Ang matandang babai'y nag-angtanda. ¡Susmariosep!

Inilahad ni Simoun ang pangatlóng lalagyan.

Punôngpuno ng mga orasán, kalupi, lalagyan ng pósporo at mga agnós na pinamutihan ng brillante at maninipis na mumunting larawang esmalte.

Ang pang-apat ay siyáng kinalalagyan ng mga lagás na bató, at ng buksán, ay isang paghangà ang kumalat bahay; nápapalaták na muli si Sinang, kaya't kinurút siya ng