— 78 —
—Sadyâ ngâ pông mayroon akong mga hiyás na lubhang matatanda—ang sagot ni Simoun, na inalis ang balot ng mun. ting takbá.
Yao'y isang sisidláng bakal, na patalím na kininis, at maraming palamuting bronse at mga matitibay at pasuotsuot na panará.
—Mayroon pô akóng mga palamuti ng liig ni Cleopatra, mga sadyang tunay, na nákuha sa mga pirámide, mğa singsíng ng mga senador at mga ginoong romano na nákuha sa mga labíng muog ng Cártago...
—Marahil ay ang mga ipinadalá ni Anibal ng matapos ang labanán sa Cannes!—ang sabing walang kapingaspingas na birò at lipús kagalakán ni kapitáng Basilio.
Ang mabuting ginoo natin, kahit na nakabasa ng maraming kasulatan na ukol sa matatandang kapanahunan ay hindi pá nakákikita ng mga bagay bagay ng panahong iyon dahil sa walâng museo dito sa Pilipinas.
—May dalá rin akó ritong mga mahahalagang hikaw ng mĝa marangal na babaing romana, na nákuha sa bahay liwaliwan ni Antonio Mucio Papilino sa Pompeya......
Iginagalaw ni kapitáng Basilio ang kaniyang ulo, na ang ibig sabihin ay alám niyá ang mga bagay na tinuran, at ninanasà niyáng mámalas kaagad ang mga mahahalagáng labing iyon. Sinasasabi naman ng mga babai na ibig niláng magkaroon ng galing sa Roma, mga kuwintás na benenditahan ng Papa, mĝa relíquias na nakapagpapatawad ng inga kasalanan na hindi na kailangan ang mangumpisál, at ibp.
Nang mabuksan ang takbá at maalis ang bulak na panakíp, ay námalas ang isang lalagyang puno ng singsing, agnós, guardapelo, krus, alpiler, at ibp. Ang mga brillante na sinaglitán ng mga batóng may sarisaring kulay ay kumikinang at nagniningning sa gitna ng mga bulaklak na gintô na ibá't ibá ang kulay, may gisuk na esmalte at may sarisaring liluk at kudyá.
Inalís ni Simoun ang bandeha at lumitaw ang isá namáng puno ng mga kahangahangang hiyás na dapat ng makasiyá sa pitong binibini sa pitong araw na sa kinabukasan ay magdadaós ng sayawang parangal sa kanila. Ang ayos ay sarisari, mğa pagkakasaglitsaglit ng mga bató at perlas na anyông mga hayuphayupang may mga kulay bughaw at balok na nanganganinag;