— 77 —
Unti unting dumadating ang mga taong akay ng kabantugán ng mga hiyás na dalá ng mag-aalahás: isa't isa'y nagbabatián ng maligayang paskó, nangag-uusap ng tungkól sa misa, mğa santó, masamang ani, nguni't gayón man ay gúgugulin ang kanilang naiipon sa pagbili ng mga bató at mga bagay bagay na galing sa Europa. Balitàng balità na ang mag-aalahás ay kaibigan ng Capitan General at hindi magiging isang kalabisán ang pakikipagkilala sa kaniya dahil sa mga bagay na bakâ mangyari.
Si kapitáng Basilio ay dumating na kasama ang kaniyang asawa, ang kaniyang anak na si Sinang at ang kaniyáng manugang, na nangahahandang gumugol ng hindi bábabâ sa tatlong libong piso.
Naroroon si Hermana Penchang upang bumili ng isang singsing na brillante na ipinangako niyá sa Birhen sa Antipolo; iniwan niya sa bahay si Huli na isinásaulo ang isang munting aklát na nábití niya ng dalawang kualta sa kura; ang arsobispo ay nagbibigay ng apat na pung araw na indulgencia sa sino mang bumasa ó makadingíg ng pagbasa ng aklát na iyón.
—Jesus!—ang sabi ng mabait na mapanata kay kapitana Tika—ang kaawa-awang batang iyán ay lumaki ditong wari'y kabutíng itinaním ng tikbalang!.... May makálimáng pung ipinabasa ko ng malakas ang aklát nguni't walâng náisaulo ni bahagyâ; waring isáng buslo ang ulo, na, puno lamang sámantalang nasa sa tubig. Marahil ay hindi lamang dalawang pung taong indulgencia ang aming tinamóng lahát, sampû ng aso't pusà sa pakikinig sa kaniya.
Inihanda ni Simoun sa mesa ang dalawang takbá na kaniyang dalá: ang isa'y malakilaki kay sa isá.
—Marahil ay ayaw kayo ng hiyás na double ni batóng huwad lamang.... Itóng ali—ang sabing tinukoy ni Sinang —ay brillante marahil ang ibig......
—Iyán ngâ pô, mga brillante at mga matatandang brillante, mga matatandang bató hi pô?-ang sagot ang magbabayad ay si tatay at ibig niya ang mga matatandang bagay, mga bató sa una.
Kung gaano ang pagbibiro ni Sinang sa kakaunti at masama pang latín na nalalaman ng kaniyang asawa ay gayón din mamán ang sa maraming latín na nalalaman ng kaniyang amá.