Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/80

From Wikisource
This page has been validated.


— 74 —


iling ang ulo, hindi rin maari! inagnasàng tumawa kaniyang mga labi ay kumimbót lamang! ang tanging palabas sa kaniyang bibig ay isang ipít na tunóg na kagaya ng sa hungkóy. Gulilát na nangagkatinginan ang mga babai.

—Pipí, pipí!—ang sigawang balót ng sindák at nangag- kaguló.

IX

SI PILATO

Ang balita ng gayóng kasawián ay dumating sa bayan; kinahabagan ng ilan at kinibít na lamang ng iba ang kaniláng balikat. Walang may kasalanan sa pangyayaring yaón at ang sino ma'y walang masisisi.

Ni hindi man namilig ang teniente ng guardia sibil: tumanggap siyá ng utos na samsamin ang lahat ng armás, at siya'y tumupád sa kaniyang katungkulan; inuusig niya ang mğa tulisan kailan ma't magagawa ang gayón, at ng bihagin si kabisang Tales ay linakad niya agad ang pag-uusig at inauwi niyang baliti sa bayan ang limá ó anim na taong bukid na kaniyang pinaghinalaan, at kung hindi napasipót. si kabisang Tales ay sapagka't wala sa bulsá ni sa balát ng mga hinuli na pinakaigihan sa palò.

Kinibít ng uldóg na tagapangasiwà sa hacienda ang kaniyang balikat. Wala siyang pakialam sa bagay na iyón; kagagawan ng tulisán! at siya'y tumútupád lamang sa kaniyáng katungkulan. Tunay ngâng kung hindi siya nagsumbong ay hindi marahil sinamsám ang mga armás at hindi marahil nábihag si kabisang Tales: nguni't siyá, si Fr. Clemente, ay kailangan niya ang mag-ingat at ang Tales na iyon ay may isáng tinging wari'y humahanap ng dakong patatamàan sa kaniyang katawan. Ang pagsasanggalang sa sarili ay katwiran. Kung may tulisán man ay hindi niya kasalanan; hindi niya katungkulan ang umusig: katungkulan iyón ng guardia sibil. Kung si kabisang Tales ay namalagi sa kaniyáng tahanan at hindi naglibot sa kaniyáng mga lupàín ay hindi sana nábihag. Yaón ay isang parusa ng langit sa labát ng mga lumalaban sa inga utos ng kaniyang poración".

Nabatid ni Hermana Penchang, ang matandang mapana-