— 73 —
padumi sa damit ay isáng kurót ó isáng galit ang katugón;
kaya't hindi man silá tumatawa ni naggagalák at nábabasa
sa kanilang mga matá ang pag-aalaala sa lumang kamisola na pang-araw-araw at ang pag tutol sa tungkol may
burdá. Matapos yaón ay dinádalá silá sa mga bahay baháy
ng mga kamag-anakan upang humalik ng kamáy; doon ay
kailangan nila ang magsayaw, umawit at sabihin ang lahát
ng ikatutuwang nálalaman, sa ibig man ó sa ayaw, suot ó
hindi man ang kanilang masisikip na bihis, na kasama rin
ang kurót at galit pag sumuway ó gumawa noong bagay na
di iniuutos sa kanilá. Binibigyán silá ng kualta ng mga
kamag-anak, nguni't karaniwang hindi man nilá másilip pagkatapos, sapagka't kinukuha ng kaniláng mga magulang. Ang
tanging hagay na kanilang napapalâ sa
sa mga kapistahang
yaon ay, ang mga bakás ng kurót na tinuran, ang mga kasikipán at madalás pa'y isang pagkasirà ng sikmurà dahil
sa pagkabundát sa matamis ó biskotso sa bahay ng mĝa
kamag-anak. Datapwa'y yaún ang kaugalian at ang mga
bata'y pumasok sa kabuhayan sa gayong paraan, na sa isang
dako'y siyang pinaká hindi malungkot, ang pinaká lalong
hind mahirap sa kabuhayan ng mga taong yaón.
Ang mga taong may kagulangan na, may sarili nang pamumuhay, ay nakakalahók din sa kapistahang ito. Damadalaw sa kanilang mga magulang at mga minamà, iluluhód ang isang paa at babatìín ng magandáng paskó: ang kanilang aginaldo ay isang matamís, isáng bungang kahoy, isang basong tubig ó isang munting handóg na walâng halagá.
Napagmamasdán ni tandang Selo ang pagdaraan ng kaniyáng mga kaibigan at malungkot na iniisip na wala siyang maibibigay na aginaldo sa kanĝino man ng taong iyon at ang kaniyang apó ay amalís na walang taglay na aginaldo at hindi man lamang siyá nábati ng magandang paskó. ¿Isá kayang kahinhinán iyón ni Huli ó isáng pagkalimot. lamang?
Nang sinalubong ni tandang Selo ang mga kamag-anakang dumating na dalá ang kanikanilang mga anak ay hindi makabigkás ng anománg salitâ, kaya't sa sarili niya'y námangha walang nangyari sa pagpupumilit, hindi nakabanggit. ng isá mang sabi. Pinigilan ang kaniyang lalamunan, pina-