akó sa kolehiyo: ang panginoon ko'y marunong ng kastilà.
Ito ang mura sa lahat ng kolehiyong makikita.
At ng makitang napupuno ng luhà ang mga mata ng matanda ay sinunong ang tampipi at matuling pumanaog sa hagdanan. Ang kaniyang sinelas ay masayang tumutunóg sa mga baitang na kahoy.
Nguni't ng lumingón upang tumanáw pang muli sa kaniyáng bahay, ang bahay na kinapawian ng kaniyang kabatàan, at kinasilangan ng kaniyáng mga unang pangarap sa pagkadalaga ng makita niyang malungkót, nagiísá, walang tao, sa mğa durungawang nakalapat ng kaunti ay walang nakadungaw at madilim na gaya ng mga matá ng isang patáy ng madingíg ang mahinang kaluskós ng kakawayanan at nakitang nangagduduyan dahil sa simuy sa umaga na waring nagsasabi sa kaniyang "paalam", ay nawala ang kaniyáng maliksing kilos, nápahintô siya, ang kaniyáng mga mata'y napuno ng luha at matapos magpatiupo sa isang sangá ng kahoy na nasa tabing daan ay umiyak ng kahapishapis.
Malaon nang nakaalís si Huli at mataás ng lubha ang araw. Si tandang Selo ay nakadungaw at tinatanaw ang mga nakagayák na taong tungo sa bayan upang magsimhá sa misa mayor. Halos lahat ay may dalá ó kaya'y kilik na batang lalaki ó batang babai na nabibihisang wari'y tungo. sa isang kapistahan.
Ang kaarawan ng Paskó sa Pilipinas, ayon sa matatandâ, ay pistá ng mgġa batà; marahil ay hindi kasang-ayon sa gayóng akala ang mga batà, at mahihinalang kanila pang kinatatakutan ang araw na iyón. At gayón ngâ marahil, sapagkâ't ginigising siláng maaga, linilinis, binibihisan at isinusuót sa kanila ang lahat ng kagayakang bago, mahal at mainam na mayroon silá, mga sapatos na sutlâ, malalakí't malalapad na sombrero, damit na lana, sutla 6 tersiopelo, kasama ang apat ó limáng maliliit na kalmen 118 may dalang ebanhelio ni San Juán, at matapos na mataglay ang lahat ng yaón ay dinadala silá sa misa mayor na kulángkuláng sa isang oras ang habà, pinagtitiís silá ng init at singaw ng maraming taong nagkakasiksikan at nagpapawis, at kung hindi man silá pinagdadasál ng rosario ay kailangan namán nila ang huwag maglilikót, mayamót ó mákatulog. Sa bawa't kagasla wáng makapagpa-